Serye nina Jodi at Sir Chief laylay na, hindi na aabot ng Disyembre?

Tatapusin na nga ba ang Be Careful With My Heart dahil humupa na ang init nito sa Pilipinas? Bagama’t mataas pa rin ang rating ng serye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ay pinag-iisipan na raw kung itutuloy pa ang planong pag-ere nito hanggang Disyembre, marami na kasi ang nagsasabing lumalaylay na ang kuwento.

Sabi ng nakatsikahan naming taga-Dos, “Umay na, kaya siguro tama lang na hanggang December na lang kasi nagsa-suffer na ang kuwento, kung saan-saan na nga napunta ang kuwento.

Pero ayaw patapusin ng management kaya tuluy-tuloy pa rin siya at saka inaabangan talaga sa TFC kaya hindi pa puwedeng tapusin,” katwiran sa amin.

Oo nga, sobrang lakas ng Be Careful With My Heart sa ibang bansa dahil mismong mga pinsan namin na nasa abroad ay nagpapabili ng DVD ng kasal nina Ser Chief at Maya pero laging out of stock naman sa ABS-CBN sa tuwing bibili kami.

Samantala, panay ang advance taping ng Be Careful With My Heart dahil aalis si Aiza Seguera sa Setyembre. Ikakasal na kasi sila ng girlfriend niyang si Liza Dino sa Amerika.

Hmmmm, may coverage kaya ang ABS-CBN dito at isasalin din kaya sa DVD tulad ng wedding nina Ser Chief at Maya? Ano sa palagay mo bossing Ervin? (Bakit hindi?

Sure akong marami ang magkakainteres kung paano tatakbo ang seremonyas ng isang same sex marriage.

( Photo credit to EAS )

Read more...