Angel: Pinakamatapang na ginawa ko ang balikan si Luis!


FEELING ni Angel Locsin, sila na talaga ni Luis Manzano ang magkakatuluyan – at naniniwala siya na mas mature at mas secured na ang relasyon nila ng TV host-actor.

Pero nilinaw niya na hindi pa sila engaged ni Luis, wala pa raw marriage proposal na nagaganap. But she’s hoping na doon na nga mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

Kasabay nito, inamin ni Angel na mas mahal nila ni Luis ang isa’t isa ngayon kesa noong part one ng kanilang relasyon.
Sa interview ni Angel kamakailan sa Abunda & Aquino Tonight, inamin niya na ang pakikipagbalikan kay Luis ang pinakamatapang na desisyon na ginawa niya sa buong buhay niya pagdating sa kanyang lovelife.

“Alam mo ‘yung sobrang mahal mo yung tao, kahit hindi ka naman niya sinaktan talaga intentionally, pero dahil mahal na mahal mo yung tao, yung pain nu’n is times one hundred sa ‘yo (kapag na-hurt ka uli).

“Tapos dahil hindi ka naman sure kung magiging okay ba kayo, babalikan mo yung isang bagay na hindi ka naman sigurado, na baka pagdaanan mo ulit yung lahat ng pain na naramdaman mo…back to zero ka ulit, ’di ba, parang ang tapang-tapang ko na?

“Sobrang proud ako sa sarili ko sa ginawa kong ‘yon,” litanya ng aktres. Kung matatandaan, nag-break ang dalawa noong 2009, hanggang sa naging girlfriend ni Luis si Jennylyn Mercado at nakarelasyon naman ni Angel ang football player na si Phil Younghusband.

Matapos ang ilang taon, magkasunod silang nakipaghiwalay sa kani-kanilang partners. At nito ngang 2014, nagdesisyon silang magbalikan.

Sa tanong kung pinag-uusapan pa ba nila ni Luis ang mga pinagdaanan nila noong magkaiba pa ang kanilang partners, “Yes, actually dati, akala namin may communication kami, pero hindi pala.

Nag-uusap lang kami, pero walang communication. “Talaga, hindi kami nagkakaintindihan talaga. But now, sobrang iba na yung relationship namin ngayon kesa dati.

Yung security namin sa isa’t isa, kahit ano’ng mangyari, parang alam na namin na kami na para sa isa’t isa, so happy kami.
“Siguro sakto lang lahat ng pinagdaanan namin.

Kailangan din namin ‘yon. Ako, kailangan ko. Ang dami kong natutunan na ’di pala ako laging tama,” paliwanag pa ni Angel.

( Photo credit to luis manzano official fanpage )

Read more...