BUKOD sa P20,000 funeral benefit na ibinibigay ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) sa naiwang pamilya ng mga miyembro nito, maaari pa rin silang makatanggap ng karagdagang P20,000 mula sa Employees Compensation Commission (ECC)
Ngunit ang dagdag benipisyo sa ilalim na rin ng Employees Compensation Program (ECP) ay maaari lamang matanggap ng naiwang pamilya kung work related o may kinalaman sa trabaho ang dahilan ng pagkamatay ng isang empleyado o manggagawa
Kamakailan lamang ay inaprubahan ng Pangulong Benigno S. Aquino na madagdagan o ma-doble ang tinatanggap na funeral benefit mula sa private and public sectors.
Mula sa dating P10,00 ay ginawa na itong P20,000. Ito ay nagkabisa sa ilalim na rin ng Executive Order No. 167.
Ngunit sa kabila ng dagdag benipisyo na ito, wala namang dagdag contributions mula sa mga employers para sa private and public employment.
Nagsimula ang funeral benefit sa public sector ng P3,000 noong 1975, naging P10,000 noong 1993 at ngayong taon ay ginawa na itong P20,000
Maliban sa funeral benefit, inaprubahan din ang 10% across-the-board increase ng EC pension para sa lahat ng EC permanent partial disability, permanent total disability at survivorship pension sa private sector.
Ito rin ay may retroactive effect simula September 2013
Maaaring makatanggap ng benepisyo mula sa ECC ang mga empleyado mula sa pribado at pampublikong sektor kung naaksidente, nagkasakit o namatay habang nasa trabaho o work related.
Executive Director Stella Zipagan-Banawis
Employees Compensation Commission
“Serbisyo sa Beterano, Serbisyo sa Bayan. Ang inyo pong lingkod ay maaari ring mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvvHangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya. Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!