Nagmarka talaga sa mga kababayan natin ang ginagawang pambabastos ni Maegan Aguilar sa kanyang ama at madrasta. Negatibo nga lang, dahil nu’ng minsan ay galit na sinabi ng isang ina sa kanyang anak na matigas ang ulo, “Ano ka? Si Maegan Aguilar lang ang peg mo?”
Sa isang umpukan naman ng mga nanay na nagbabantay sa kanilang mga anak dahil kasisimula pa lang ng pasukan ay si Maegan din ang pinagpipistahan.
Sabi ng isang nanay sa umpukan, “Naku, kung naging anak ko lang ang Maegan na ‘yun, siguradong tatabtabin ko ang matulis niyang nguso para hindi na siya makapagsalita dahil sa sobrang sakit!
“Hindi uumagahin sa akin ang Maegan na ‘yun, agad-agad, e, susupilin ko siya para malaman niya na walang karapatan ang anak na bastusin ang magulang niya! Manghihiram ng mukha sa aso si Maegan kung naging anak ko siya! Bastos na bata, mal-edukada siya!” kuwento ng naiinis na nanay.
Sobra-sobrang pambabastos na kasi kay Ka Freddie Aguilar ang pinagsasasabi ng anak nito, parang hindi man lang nakatungtong sa eskuwelahan si Maegan kung makapagsalita, samantalang pinag-aral naman siya ni Ka Freddie sa magandang paaralan.
“Kung naging anak ko lang siya, naku! Pasalamat siya at hindi ako ang naging nanay niya!” napapailing pang inis na komento ng aming impormante.
Walang magulang na Pinoy na kakampi sa ugali ni Maegan Aguilar, siya ang pinakahuling taong gustong maging supling ng kahit sinong ama o ina, markado na siya ngayon sa sambayanang Pilipino. Korek!
( Photo credit to freddie aguilar official fanpage )