Ikaw Lamang ni Coco lumamang uli sa Dyesebel


Sorry uli sa Dyesebel dahil noong nakaraang Miyerkules ay natalo na naman ito ng Ikaw Lamang sa ratings game. Kung palaging number one nitong mga nakaraang araw ang fantaserye ni Anne Curtis, muli itong tinalo ng Ikaw Lamang nina Coco Martin, Kim Chiu, Julia Montes at Jake Cuenca.

Nakakuha ang Ikaw Lamang ng 31.7% base sa datos ng Kantar/Media TNS nitong Miyerkules, pumangalawa naman ang Dyesebel na nakapagtala ng 30.7%.

Nasa ikatlong pwesto naman sa most watch TV programs sa buong bansa ang The Legal Wife (27.4), ikaapat ang TV Patrol (25.5%) at nananatiling matatag sa ikalimang pwesto ang MiraBella nina Enrique Gil at Julia Barretto na nakakuha ng 20.9%.

( bandera.ph file photo )

Read more...