Di ako nanlalalaki

Sulat mula kay Janet, ng Calbiga, Samar
Dear Sir Greenfield,
Inaakusahan ako ng mga kamag-anak ko na nanlalalaki.  Tanging ang barkada ko na lang ang nakauunawa sa akin at sinusuportahan nila ako.  Inaamin kong marami na akong naging boyfriend.  Pero, hindi ako nangungulekta ng lalaki.

Manloloko ang mga lalaki.  Pagkatapos na matikman ka, nanlalamig na sila hanggang sa iwan ka.  Ako’y nagpapasalamat dahil hanggang maaaga ay nabisto ko na sila.  Kung puwede nga lang idemanda ang mga lalaking nagpaparaos lang.  May ilang relasyong sinubukan kong iligtas pero ayaw ko namang lumuhod at umiyak sa lalaki.  Ayaw ko namang maging kawawa.  May nanliligaw na naman sa akin.  Dalawa pa nga sila.  Sino ba sa kanila?  Ang mga birthday nila ay Jan. 26, 1992 at Jan. 15, 1991.  Ang birthday ko ay April 25, 1992.
Umaasa,
Janet, ng Calbiga, Samar
Solusyon/Analaysis:
Palmistry:
Medyo magulo at may bilog kasi ang Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, hindi nga gaanong magiging maganda ang karanasan mo sa pag-ibig sa simula g iyong pagdadalaga, pero unti-unting maayos ang iyong love life, hanggang sa tuluyan kang lumigaya (Illustration 1. arrow 2.).
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Queen of Clubs at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taon, sa Enero, magkaka-boyfriend ka na, at ang nasabing lalaki ay kayumanggi ang balat, mabait at magiging tapat sa kanyang pag-ibig sa iyo habambuhay.
Itutuloy….

Read more...