Ibig mag-asawa (2)

Sulat mula kay Arnaldo ng Barangay Banonong,
Dapitan City
Dear Sir Greenfield,
1.      Malapit na akong tumuntong ng 30 pero wala pa rin akong syota.
Masasabing hindi pa ako nakatitikim ng chicks. Bagaman hindi malaki ang suweldo ko ay meron naman akong trabaho.
2. Kaya kahit paano ay may pantustos din naman ako sa aking hilig at bisyo.  Sana’y bago sumapit ng 30 anyos ay may asawa na ako.  Sana masagot ninyo ang tanong ko kung kailan ako makakahanap ng girlfriend at makapag-aasawa. July 19 ang birthday ko.
Umaasa,
Arnaldo ng Barangay Banonong, Dapitan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 1.) ang nagsasabing isang babaeng Virgo ang nakatakda mong maging girlfriend. Sa una ninyong pagkikita, ang nasabing babae ay nakasuot ng kulay white na shirt.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sa taon ding ito ng 2014 ay darating ang nasabing babae na magiging girlfriend mo sa saktong last week ng Oktubre o hanggang sa first week ng Nobyembre. Sa panahong iyon ay magaganap ang una ninyong pagkikita at pagde-date.
Graphology:
Ang iyong lagda na kinakitaan ng malinaw na phallic symbol sa buntot ng letang “g”. Ibig sabihin ngayon pa lang ay masiglang-masigla na ang iyong libido at nasagap na ng unconscious self mo ang susunod magaganap. Tulad ng nasabi na, sa last quarter ng taong ito ng 2013 magkakasyota ka na rin sa wakas.

Arnaldo, ayon sa iyong kapalaran, kusang darating ang babaeng matagal mo nang hinihintay at ito ay magaganap sa taon ding ito sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre. Magiging mainit ang inyong relasyon, hanggang mauwi sa isang masaya at panghabambuhay na samahan. Nakatakda itong mangyari sa susunod na taon, sa buwan ng Mayo.  Sa panahong nabanggit ay makakapag-asawa ka na at habambuhay na liligaya.

Read more...