Numero ‘13’ malas kina Aga at Charlene kaya nagkahiwalay?


Kamakailan lang daw nag-celebrate sina Charlene Gonzales and Aga Muhlach ng kanilang 13th wedding anniversary pero malakas na ang ugung-ugong na hiwalay na raw sila.

May chika na kaya hindi sila puwedeng umaming hiwalay na talaga sila dahil bawal iyon sa endorsements nila kaya they decided na magkahiwalay lang ng kuwarto sa kanilang conjugal home.

Balitang inamin na nga raw ni Aga kay Charlene na meron siyang “other woman” kaya the more na nabuo ang galit ng dating beauty queen.

Isa iyan sa nakaka-shock na balitang nasagap natin lately dahil ang buong akala ng bansa ay isa sila sa pinaka-ideal couple na dapat tularan ng mga mag-asawa sa Pilipinas.

Kung totoo ang balitang hiwalay na nga silang talaga, paano na ang pagiging ideal couple nila? Waley din, di ba?  And wait – let’s talk about numbers, sabi nila malas talaga ang number 13 kaya baka ito ang may dalang malas sa buhay nila.

Though it may not apply to all pero may kasabihan naman talagang malas ang numerong ito?  Bihira ang elevators na merong 13th floor, napansin ninyo? Si dating Pres. Joseph Estrada was the 13th president of the Philippines pero napababa sa puwesto. Me ganoon? Anyway, wishing na magkaayos din ang mag-asawa in time, maybe in God’s perfect time.

( Photo credit to aga muhlach official fanpage )

Read more...