Suffer Sireyna nagkamali, pinagalitan nina Jose at Marian


TILA dobleng kahihiyan ang inabot ng Suffer Sireyna contestant recently when he committed a booboo nang live. Nagkamali kasi ang “Marian Rivera” Suffer Sireyna contestant when he addressed the audience of Eat Bulaga.

Instead of calling them Dabarkads ay tinawag niya itong Madlang Pipol na isang termino na tawag sa audience ng It’s Showtime.
Ito namang si Jose Manalo ay mabilis pa sa kidlat na ni-reprimand ang nagkamaling beki and said, “Hoy, madlang pipol, sa kabila iyon. Ikaw iyong host du’n no?”

Si Marian naman, nakisali sa pag-correction your honor ni Jose, “Hindi, sandali. Ito, Marian pa naman”, say niya, referring to the beking contestant. “Hindi kami madlang pipol. Dabarkads! Ano ka ba?” say ni Marian.

Aray ko, dobleng kahihiyan ang inabot ng kawawang beki. Anyway, halatang there is an effort to make Marian more masa. It is quite obvious that she’s being assigned to the most masa segment of the show para isipin ng mga ordinary people na kaisa nila ang dyowa ni Dingdong Dantes.

Why, she’s even dressed  in the most casual outfit na tama naman dahil ang segment na ‘yon ang pinakasimple. With Marian’s inclusion in the show ay tila pag-amin ito na natatalo na ng It’s Showtime ang Eat Bulaga sa rating.

Kailangan nila ng suporta ng isang Marian Rivera to make the show appeal more to the masa. Actually, nagkakatulu-ngan ang Eat Bulaga at si Marian. Dingdong’s dyowa needs a show patronized by the masses para mas mapalaki ang kanyang fan base.

The noontime show naman of GMA needs to introduce a new personality in the show to keep the audience glued to their seats.
But come to think of it, hindi ba ginawang saling-pusa na lang ng taga-Eat Bulaga ang Primetime Queen ng Siyete? Hindi ba parang bumaba ang level mo?

( bandera.ph file photo )

Read more...