Suicide, nabaliw dumami dahil kay Yolanda

TACLOBAN CITY —Dumarami umano ang mga kaso ng nababaliw at nagiging suicidal sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Dr. Wilfredo Liao, medical director ng Doña Remedios Trinidad Romualdez Medical Foundation,  meron na umano silang ilang kaso ng pagpapatiwakal na naitala bunga umano ng trauma na kinaharap ng mga ito dahil sa bagyong Yolanda.

Partikular na binigyang-diin ni Liao ang kaso ng isang “Yolanda” survivor na naligo ng gasolina at saka sinindihan ang sarili.

Ayon kay Liao, nasunog ang 50 porsyento ng  katawan ng biktima na nagpahirap sa kanya ng ilang araw bago siya tuluyang  binawian ng buhay.

“If you go around, there are many people walking around without any clothes and nowhere to go. We don’t have a hospital for these people who may be psychologically imbalanced,” ani Liao.

Inamin din ni Liao na walang general plan para magamot ang mga biktima ng Yolanda na nagkaroon ng trauma.

“They may need a psychiatric hospital for this one. We don’t want to mix these patients with other patients,” dagdag pa ng doktor.

“So far after the typhoon we’ve had three suicide cases. But I cannot say about the number of suicides downtown,” dagdag pa ni Liao.

Aniya, ilan naman umano ay naglalaslas ng pulso para matakasan ang kanilang mga problema.

Sinabi ni Liao na nakakaalarma na umano ang kalagayan ng ilang tao sa Tacloban.

“You cannot control their way of thinking. So the public may get scared of them too,” dagdag pa ni Liao.

Read more...