HOROSCOPE, June 02, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, June 02, 2014

Madam Sophia - June 02, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Malaking halaga ang kikitain sa produktong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Sa pag-ibig, unawa ang kailangan upang lalo pang lumawig ang pagmamahalan. Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 40 at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om-Yasoda.” Blue at maroon ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa padaskul-daskol na pagkilos, pagkalugi ang kasunod. Sa pag-ibig, iwasang apurahin ang pakikipag-romansahan sa kasuyong Sagittarius. Sa dahan-dahan at unti-unting haplos mas magiging mainit ang pagniniig. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 32, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely.” Pink at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Paglaanan ng budget ang nalalapit na pasukan. Sa isang Virgo ka mangutang, hindi ka nya tatangihan. Sa pag-ibig, mas makakatipid ng kuryente kung iiwasan muna ang pagpe-Facebook. Mapalad ang 6, 17, 29, 37 40 at 46.  Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” Purple at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Bagong opportunity ng paglalakbay ang mabubuksan – sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, isang Libra ang kikiliti sa iyong damdamin, nakakikilig na relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 3, 12, 15, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra:  Mapalad ng 1, 4, 16, 24, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Silver at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—‘Wag ng pautangin ang mga dating umutang na hindi naman nagsipag-bayad. Sa pag-ibig, imbis na ikaw ang sumunod, pasunurin mo ang iyong kasuyo, upang tuluyan na siyang tumino.  Mapalad ang 3, 12, 15, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Rama.” Gray at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Simple lang ang sekreto ng pagyaman. Mag-tabi muna o mag-savings, bago gumastos. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mag-bukas kayo ng shared account na hindi gagastusin kahit ano ang mangyari. Mapalad ang 5, 14, 23, 30, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Aum-Bodhana.” Lilac at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Higit na kikita ng malaking halaga kung patuloy ang ugaling pagpapakumbaba. Sa pag-ibig, daanin sa paawa effect ang diskarte sa minamahal, upang mapagbigyan ka sa malaon mo ng hinihiling. Mapalad ang 4, 12, 29, 38, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Karin-Japa.” Red at blue ang buenas.
Lira – (September 23-October 23)— Muling patatagin ang relasyon. Regaluhan ng bagong unit ng cell phone ang kasuyo.  Sa pinansyal, aanihin  ang maraming pera kung malungkot naman ang iyong minamahal? Mapalad ang 3, 15, 27, 37, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Pink at  maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Isang Capricorn ang makaka-solve ng iyong mga problema lalo na sa pinansyal, habang sa pag-ibig isang Taurus ang sayo ay magpapalasap ng kumpletong ligaya. Mapalad ang 8, 14, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Gold at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— ‘Wag kang masyadong maging mabait, ang sobrang kabaitan ay nagiging uto-uto na. Matutong tumanggi upang wag maubos ang pera. Sa pag-ibig, hinihintay ka na ng isang  Aries. Mapalad ang 3, 9, 21, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum Suryaye Maneh.” Violet at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pinansiyal wag manisi ng kapwa sa pagkaluging napala, makakabawi at makakabangon kang muli. Sa pag-ibig, bahagi ng buhay ang pagkakamali, patawarin ang kasuyo na humihingi na ng sorry. Mapalad ang 3, 6, 9, 19, 33, at 40. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Lilac at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Unti-unting matutupad ang pangarap, ngunit maraming kumplikadong bagay ang mangyayari. Laging magdasal, si Lord lang ang tanging magliligtas sayo sa kalungkutan at kamalasan. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Mahirap talagang mawalay sa pamilya, subalit kailangan mong tiisin upang umunlad ang inyong kabuhayan. Sa pag-ibig, sa iyong pagbabalik lalo pang mag-iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 7,  20, 27, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending