At least super consistent ang Megastar sa ganu’ng drama dahil kahit noon pa man ay bungisngis na talaga siya lalo kung at home na at home siya sa kanyang mga kausap.
“Ano’ng magagawa ko kung gusto ko laging masaya? Alam naman ninyong lahat na mababaw lang ang kaligayahan ko!” sabay bunghalit na naman ng tawa kaya mahahawa ka na rin sa mga emote niya.
Kahit nga mga seryosong paksa lalo na ‘yung may kinalaman sa mga isyung pampamilya ay nagagawa ring pagtawanan ni Mega pero makahulugan pa rin ang bawat pahayag na ibinabahagi niya.
Gaya na lang ng tungkol sa two-year-old baby boy (adopted) nila.
Kahit maintrigang tanong na diumano’y anak ito ng kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan sa ibang babae ay kering-keri pa rin niya itong sinagot sabay emote na bubugbugin niya ang asawang senador kung sakaling totoo man ang chikang yun.
But of course, naitawid ‘yun ni Sharon ng hindi nabibigyan ng ibang kulay ang kanyang emosyon.
Nang kumustahin naman namin ang estado ng anak niyang si KC Concepcion after ng break-up nito kay Papa
Piolo Pascual ay marespeto itong tumugon ng, “She’s happier now,” sabay hagikhik at nag-dialogue ng, “Nakabangon na ang anak ko.”
At kahit inamin nitong ayaw niyang magpaka-ipokrita hinggil sa totoo niyang nararamdaman about Piolo, kuwela pa rin ang expression niyang nakangiti at nagsabing,
“Hindi na ako totoo kapag sinabi kong mahal ko pa rin si Piolo at hindi nagbago ang pagkakakilala ko sa kanya?”
Marami pang ibinahagi si Mega sa amin kapatid na Ervin, at kung tutuusin nga’y sa kilometrikong paliwanag niya sa bawat tanong na ibato mo ay makakapulot ka na ng isyu.
Kaya nga nasabi naming akmang-akma ang title ng show nila for the first time ni Martin Nievera na “Once In A Lifetime” dahil once in a lifetime ka nga lang makakakilala ng isang Megastar na punumpuno ng saya at halakhak sa buhay, sa totoo lang.