Xian Lim: Hindi po ako bading!

KUNG may nagsasabing lalaking-lalaki ang leading man ni Kim Chiu sa teleseryeng My Binondo Girl ng ABS-CBN, marami rin ang kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.

May mga nakakausap kasi kami na nagtatanong kung totoo raw na silahis ang binata, ‘yan daw kasi ang naririnig nilang mga chika sa tabi-tabi.

Sa thanksgiving presscon na ibinigay ng ABS-CBN para sa success ng My Binondo Girl na magtatapos na nga this week sa Primetime Bida, tinanong si Xian tungkol sa kabaklaan issue.

Diretsong sinabi ng binata na wala siyang dapat ikagalit sa mga nagsasabing bakla siya.

“Actually, nu’ng papasok pa lang ako sa showbiz, I was really prepared na rin.

I already expected that. Sabi nila, kailangan daw handa ako.

Maraming magsasabi ng ganyan, ganito. So, ako hinanda ko na ‘yung sarili ko sa mga ganitong intriga.

“Honestly, hindi ako nagagalit or naaasar about that, because, ako I’m very comfortable with my sexuality, with my gender. Alam ko naman kung sino talaga ako.

“Wala naman akong dapat ika-guilty. Wala akong kailangang ikatakot.

Kilala ko ang sarili ko,” paliwanag pa ni Xian na in fairness naman, e, mukhang nagsasabi naman ng totoo.

Kahit nga si Kim ay nagtataka kung bakit may mga ganu’ng chika about Xian dahil hindi naman daw niya napi-feel sa kanyang leading man ang ganu’n.

Anyway, though natutuwa si Xian sa mga nagsasabing nakahanap na ng bagong perfect leading ang Dos para kay Kim matapos nga silang paghiwalayin ni Gerald Anderson, mas gusto raw ng binata na huwag na silang pagkumparahin ni Gerald.

Malaki raw ang respeto niya sa binata bilang kaibigan at artista kaya ang pakiusap niya, huwag na silang intrigahin.

Pero totoo bang naggagamitan lang sila ni Kim para sa kanilang respective career? “You know what, I can’t control what they think, ‘di ba? ‘Di naman lagi akong mag-e-explain na walang ganu’n.

“I think it’s normal, and I understand. Uulit-ulitin ko, paulit-ulit kong uulitin, kahit isang libong beses pa ‘yan. Wala akong ganu’ng pakay. ‘Di ganun ang intension ko. I’m just happy right now, walang ganu’n.”

“Hindi ako manggagamit ng tao. Yun nga, paulit-ulit akong magpapaliwanag, naiintindihan ko na ganun ang insiip nila Hindi ako ganu’ng tao. ‘Di ako gagawa ng something na ‘di totoo sa puso ko,” chika pa ni Xian.

By the way, huwag na huwag n’yong palalampasin ang bonggang dragon finale ng My Binondo Girl this week sa Primetime Bida dahil napakarami pang mangyayari sa kuwento ng buhay ni Jade (Kim) at Andy (Xian).

Abangan kung mamamatay nga ba si Papa Chen (Richard Yap) at kung magiging happy ending ang number one primetime series sa telebisyon.

Read more...