‘Tama lang na layuan ni Kc si Paulo Avelino! hindi sila bagay!’


MUNTIK-MUNTIKAN na raw pala talagang magkatuluyan sina KC Concepcion at Paulo Avelino – just a push away pero hindi natuloy. Hindi ba’t sumunod pa si Paulo sa New York kung saan nag-aaral si KC para kuno-kuno ay magpa-impress siguro sa dalaga – para masabing seryoso siya sa kaniyang panliligaw.

Pero nu’ng umuwi rito si lalaki ay kumalat ang balitang flop daw ang panunuyo niya sa panganay nina Megastar Sharon Cuneta and former heartthrob Gabby Concepcion. Hindi umubra ang pagpapogi ni Paulo sa magandang actress-TV host.

“Basa na ang papel ni Paulo sa babae. Kasi nga, hindi pa rin naaalis sa utak ng mga tao kung paano niya halos itatwa ang pagkaroon ng relasyon kay LJ Reyes noon at ang pagiging ama ng kanilang anak. In this country, people hate men who deny their children.

“Kaya hindi puwedeng makuha sa papogi-pogi ang mga babae ngayon – nagba-background check din ang mga iyan. Di ba’t barubal ang lalaking iyan? Naalala niyo pa nung isang awards night kung saan binastos niya ang maraming members of the press – pinakikiusapan yata siyang mag-present ng award or something then live onstage niyang sinasabi ang complaint niya habang siya’y nagpi-present.

“Napilitan lang daw siya sabi niya. Then ang sumunod na pangit na issue sa kaniya ay yung tungkol sa pambabastos naman niya sa isang taga-ABS-CBN staff nang interbyuhin siya regarding his family – LJ and their lovechild.

Kung hindi ako nagkakamali, kinuha niya ang tape at sinira at nagparamdam ng pagkaarogante sa staff na  iyon. ‘Nyetang lalaki, di ba?

“Iyan ba ang umaasang maging dyowa ang napakadisenteng si KC Concepcion? KC deserves a much better man – kahit mahirap lang na lalaki basta ba may bayag at kayang panindigan ang pamilya.

Hindi ikakahiya ang anak. Paano kung nagkatuluyan at magkaanak sila ni KC, kaya ba niyang itanggi ang magiging baby nila? Subukan niya at baka masapok siya ni Shawie,” anang isa pang kaibigan naming nandidiri kay Paulo.

Ako, hindi naman nandidiri kay Paulo – turned-off lang ako dahil ang yabang ng dating niya sa akin. Yung feeling God’s gift to mankind. Eiwww! Sa tototo lang, isa siya sa mga nakita kong artistang guwapo lang sa pictures pero sa personal ay very ordinary naman ang dating.

“Iyang Paulo na iyan, mahusay na player sa buhay iyan. Alam niya kung kanino siya kakapit para magkaroon ng malalaking breaks. He knows how to use his merchandise.

Magaling! Hindi sa pag-arte ha, though nakakaarte naman kahit paano, magaling dumiskarte. Balita ko he’s very rich now dahil meron daw itong lover na sobrang yaman at sunod ang luho niya.

How true na nakapagpatayo siya ng napakalaking mansion malapit sa bahay ni Coco Martin sa Commonwealth Avenue, sa Q.C.? Nakapunta ka na ba sa bahay niya?” tanong sa akin ng isang tsismosong barkada.

Hoy! In the first place, hindi ako interesado sa kanya, bakit naman ako pupunta sa bahay niya? Hindi naman ako ganoon ka-praning, ‘no! I don’t know kung totoong nagpatayo siya ng ganoon kalaking mansiyon.

Yes, honestly, narinig ko rin ang tsismis na iyan pero hindi ko naman confirmed kaya hindi ko matanguan ang chika, di ba?
Regarding his alleged sponsor ay di ko rin batid at di ko kilala.

Kung totoo man iyon, congrats sa kaniya, di ba? Marunong kung gayon. Ha-hahaha! Wala namang masama in the first place kung napa-in-love niya ang isang tao who happens to be very rich. Suwerte niya! Eh ano naman ngayon?

“Galing daw sa mayamang angkan iyan si Paulo sabi ng friend ko. May-ari daw iyan ng mga restaurants. Yung gumagawa ng masasarap na pastries,” pagmamarunong naman ng isang kaibigan naming mas praning sa akin.

“Tange! Contis iyon. Hindi pag-aari nina Paolo Contis iyon, kaapelyido lang niya. Gaga!” taray ng isang nakarinig na bading na ikinahagalpak namin. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko.

Imagine, si Paulo Avelino ang topic namin – all the while pala ay si Paolo Contis ang nasa isip ng mokong. Gaga talaga! Ha-hahaha!

Speaking of Paulo nga and KC – PAULO AVELINO ha – hindi PAOLO CONTIS – kinumprima ng friend namin na naudlot ang relasyon daw ng dalawa. They were almost there na raw pero nagbago raw ng isip si KC.

Honestly, mas natuwa kaming maka-KC kasi alam naming hindi niya deserve ang ganoong klase ng lalaki. Kungsabagay, there’s so much life for Paulo after KC, daming babae riyan.

Nandiyan si Lydia, nandiyan si Mameng, si Lourdes, si Agnes, si Lulu, si Clarita, si Magda, si Loleng, si Charing…sino pa ba? Daming babae sa mundong ito kaya he has nothing to worry. Tama?

( bandera.ph file photo )

Read more...