Makapag-aasawa ka (2)

Sulat mula Vener ng Clarin, Misamis Occidental
Problema:
1.      Sa totoo lang ay ayaw ko pang mag-asawa.  Sa edad kong 26 na, nangangamba na ang nanay ko baka tumandang dalaga na ako, tulad ng dalawang tiya ko.  Pero, humahanga ako sa mga tiya ko na oldmaid dahil hindi sila nawawalan ng pera at sila ang takbuhan ng mga kamag-anak na nangangailangan.  Palipat-lipat lang ako ng trabaho.
2. May natapos din naman ako na kurso sa kolehiyo kaya okey lang na palipat-lipat ako ng trabaho.  Balak kong mag-apply muli sa iba, matanggap kaya ako?  Kailan ba ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa?
Umaasa,
Vener ng Clarin, Misamis Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing matutulungan ka ng mga taong isinilang sa zodiac sign na Capricorn, Taurus, Libra at kapwa mo Virgo, upang lalo pang gumanda ang iyong career. Ang nasabi ding mga zodiac sign ang maaari mong maging boyfriend hanggang sa tuluyang mapangasawa.
Numerology:
Ang ibig sabihin ng birthday mo ay yayaman ka, sa tatlong bagay na posibleng mangyari sa iyong kapalaran: Una, yayaman ka sa walang tigil na paga-abroad. Pangalawa, yayaman ka sa walang humpay na negosyo. At pangatlo, makapag-aasawa ka ng mayaman at magiging mayaman ka na rin balang araw.
Luscher Color Test:
Mapalad ka naman sa kulay apple green, gray, blue at silver. Habang magsisilbing lucky charm mo ang batong sapphire na ipapalamuti sa silver na singsing.
Huling payo at paalala:
Vener, ayon sa iyong kapalaran tiyak ang magaganap sa taon ding ito, isa-isa ng darating sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Magkakaroon ka ng stable job o magandang trabaho na related sa course mo at higit sa lahat sa taon ding ito, magkaka-boyfriend ka na at habambuhay na liligaya hatid ng lalaking mayaman na nagtataglay ng zodiac sign na Libra.

Read more...