Mona Louise Rey sa sakit na diabetes: Pag nagkamali ka ng turok sa insulin, patay ka!


KUNG dati ay halos pagsabungin sila bilang mga promising young kids ng GMA 7, ngayon ay sila ang magkakasama at magtutulungan para pabonggahin ang early primetime ng GMA via the new series My BFF.

We are referring to Jillian Ward and Mona Louise Rey, ang mga pambatong child star ng Kapuso station na nagbida na sa kani-kanilang soap opera before.

“Hindi po talaga kami magkalaban. Baka sila lang,” ang nakakatuwang sagot sa amin ni Jillian intrigahin namin ito kung ano ang masasabi niya sa dating sinasabing “karibal” niya.

Hirit naman ni Mona Louise, “Wala po. Mga bata pa po kami para sa ganyan. Masaya nga po dahil kami ang magkasama at magtatawagang BFF as in best friends forever.”

Ayon sa paglalarawan nina Manilyn Reynes at Janno Gibbs na gaganap bilang magulang ni Louise sa serye, “Ibang klase yung concept kasi iikot sa friendship ng dalawang bata na yung isa ay buhay, at yung isa ay babalik at mabubuhay para bantayan yung isa. Basta, may comedy, drama at fantasy na perfect ingredients sa mga pambatang soap opera.”

Halos magkasinglaki lang ang dalawa though mas may edad ng konti si Mona Louise na normal na normal ngang nagkukuwento sa amin ng pagtuturok niya ng gamot para sa kanyang diabetes, “Minsan po isang beses, minsan dalawa.

Dito sa braso, minsan sa may puwet,” ang kaswal na kuwento ng ng bagets na para bang simpleng sakit lang ang kanyang ginagamot.

May hirit pa itong, “Pag nagkamali ka nga po ng turok o pagsunod sa oras, tegi ka (patay ka)!” na siyempre pa ay ikinaloka namin!

Ang My BFF na magsisimula na ngayong June bago mag-24 Oras ay ididirek ni Roderick Lindayag.

( Photo credit to EAS )

Read more...