Relasyon nina Manilyn at Janno noon tumagal lang ng 4 buwan


Nakakatuwa ang honesty ni Manilyn Reynes nang sagutin nito ang tanong kung bakit pinili niyang pumirma uli ng three-year contract with GMA  despite her bonggang exposure sa ABS-CBN’s Got To Believe.

“Mas komportable lang siguro talaga ako dito. Imagine, since Annaliza days pa, bago pa man ako naging si Manilyn talaga sa That’s Entertainment, eh tahanan ko na ang Channel 7.

I’m so grateful sa maganda at bonggang experience ko sa Kapamilya network. I have but high regards sa kanila sa ABS at alam ko namang may work pa ding babagay sa akin du’n. Hindi lang siguro ngayon.”

First time rin nilang magkakasama ni Janno Gibbs after so many years sa isang project at aminado silang “blast from the past” ang mga una nilang eksena together bilang couple sa My BFF.

Tawa nga nang tawa si Mane nang pag-usapan nila ni Janno during a take ang diumano’y naging dahilan ng kanilang break-up noon. Segue pa ni Janno, “Nagkukulitan kami sa set habang nagti-take.

Ang hindi namin alam, naka-lapel mic pala kami at dinig na dinig ng lahat ang pinag-uusapan namin. Ha-hahaha!” Four months lang pala ang itinagal ng kanilang relasyon noon at dahil puro away lang naman daw ang kanilang ginawa, ay minabuti pa nga nilang maghiwalay though alam naman ng lahat na nakabuntis nga noon si Janno (na naging wife nga niyang si Bing Loyzaga) habang mag-on pa sila.

“Naku, pinagtatawanan na lang namin ang mga iyan. Ano? Kung kami rin siguro ang nagkatuluyan eh malamang na sa hiwalayan din ang ending namin,” hirit pa ni Janno.

25 years old na pala ang panganay ni Janno, habang may 17 years old nang panganay si Mane. Grateful lang daw sila na after all these years ay kuwela pa rin ang kanilang tandem at makikita n’yo raw ‘yan sa My BFF.

( Photo credit to EAS )

Read more...