Alaska, Air21 magkakasubukan

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Alaska vs Air21
8 p.m. Globalport vs San Mig Coffee
Team Standings: Barangay Ginebra (3-0); San Miguel Beer (3-1); Air21 (2-1); Alaska (2-1); San Mig Coffee (2-1); Talk ‘N Text (2-1); Globalport (1-2); Barako Bull (1-3); Rain or Shine (1-3); Meralco (0-4)

PAG-AKYAT sa ikalawang puwesto ang puntirya ng Alaska Milk, Air21 at defending champion San Mig Coffee sa magkahiwalay na laban ng PLDT Home Telpad PBA Governors’ Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Aces at ang Express ay magtutunggali sa ganap na alas-5:45 ng hapon samantalang makakalaban ng Mixers ang Globalport alas-8 ng gabi.

Ang Alaska Milk, Air21 at San Mig ay mayroong 2-1 karta sa likod ng nangungunang Barangay Ginebra (3-0) at San Miguel Beer (3-1).

Maganda ang naging coaching debut ni Alex Compton sa Alaska Milk nang ihatid niya ang Aces sa 101-92 panalo kontra Talk ‘N Text noong Lunes. Nang sumunod na araw ay nalasap ng Air21 ang unang pagkatalo nito sa Barangay Ginebra, 84-76.

“A system is already in place. We are so used to the triangle offense. Mahirap naman kung babaguhin namin kasi maikli lang ang tournament na ito,” ani Compton na humalili kay Luigi Trillo.

Ang Aces ay sumasandig sa import na si Henry Walker na sinusuportahan nina Joachim Thoss, Calvin Abueva, JVee Casio, Cyrus Baguio at Gabby Espinas.

Ang Express ay nagwagi sa kanilang unang dalawang laro laban sa Rain or Shine (103-96) at Barako Bull (101-86) bago natalo sa Gin Kings.

Read more...