‘Bulaga’ dapat ireklamo sa MTRCB, mga chakang beki pinagtitripan

WALLY BAYOLA AT JOSE MANALO

Parang hindi gender-sensitive ang Eat Bulaga dahil sa kanilang pakontest na Suffer Sireyna where beauty-challenged gays get humiliation publicly.

Ilang beses na kaming nakapanood ng segment na ito being hosted by Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at talaga namang kasuka-suka kung paglaruan nila ang mga beking hindi kagandahan. Kung anu-ano ang pinagagawa nila like pinapakain muna nila ng kamias, merong inilulublob muna sa harina sabay hanap ng coins at meron ding episode where the contestants were made to drink vinegar.

Enjoy na enjoy naman ang mga beki, unaware na napaglalaruan sila. Ang nakakaloka, barya-barya ang premyo, around five hundred pesos and more.

Hindi kaya aware ang taga-Eat Bulaga na marami ang nag-iisip na parang binabastos nila ang mga beki? Dapat kastiguhin na ito ng MTRCB, hindi ba nila napapanood ang said segment?

This, we think, is the cheapest gimmick on Philippine television. Degradingly cheap talaga, parang hindi pinag-isipan ng management.

Sana hangga’t hindi pa huli ang lahat itama na ito ng management, lalo na nina Tito, Vic & Joey dahil baka dito lang sa katsipang segment na ito para sa mga beki ang makasira sa kanila.

Read more...