HINARAP ni Anne Curtis ang kanyang “trauma” sa muli niyang pagbabalik sa karagatan kung saan siya nabiktima ng “killer dikya” ilang linggo na ang nakararaan.
Aminado ang leading lady nina Sam Milby at Gerald Anderson sa fanyaseryeng Dyesebel sa Primetime Bida ng ABS-CBN na hanggang ngayon ay may takot pa rin siyang sumisid sa ilalim ng dagat matapos siyang maospital noon dahil sa dikya.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Anne ng mga litrato ng ilang produkto na dala-dala niya para hindi na maulit pa ang pag-atake sa kanya ng jellyfish.
Post ng TV host-actress, “Getting back into the ocean water where I got stung by the box jellyfish for the first time today. A little nervous, but this time, I come prepared! Thank you @markednicdao @ranvelrufino @banxlorenzo for these.
“It might not go a long way against something so deadly and poinsonous but hey, it’s better than nothing. Eeeeep. I can do this!!! Time to get over that fear. I love the ocean too much,” chika pa ni Dyesebel.
Ayon kay Anne, parang second life na niya ito matapos mabiktima ng “killer dikya”, hindi raw pala biro kapag nadikitan ka ng jellyfish dahil pwede raw itong maging fatal kapag hindi agad nabigyan ng first aid treatment.
Samantala, paganda na nang paganda ang takbo ng kuwento ng Dyesebel na napapanood pa rin pagkatapos ng TV Patrol. Ngayong linggo, mas marami pa kayong dapat abangan sa buhay ni Dyesebel bilang tao.
Tutukan din kung paano siya pahihirapan ni Betty (Andi Eigenmann) nang dahil kay Fredo (Gerald). Kasama pa rin siyempre sa nangungunang Primetime Bida series sina Dawn Zulueta, Ai Ai delas Alas, Eula Valdez, Zsa Zsa Padilla, Gabby Concepcion, Ogie Diaz at marami pang iba.
( Photo credit to anne curtis official fanpage )