SA kabila ng mga pinagdaanang kontrobersiya at iskandalo ng Diamond Star na si Maricel Soriano, masasabi nga naming – she is so back! Hindi rin naging hadlang ang mga kanegahang isyu sa kanya nitong mga nagdaang buwan at taon para bigyan siya uli ng GMA 7 ng chance para maipamalas muli ang kanyang galing sa pag-arte.
Isang napakalaki, napakaganda at kaabang-abang na soap opera ang ibinigay ng Kapuso network kay Maria upang patunayan sa buong mundo na wala pa ring kupas ang kanyang pagiging Diamond Star.
Ang tinutukoy nga namin ay ang GMA TeleBabad series na Ang Dalawang Mrs. Real kung saan makakatambal niya for the first time ang Primetime King ng Siyete na si Dingdong Dantes.
Sa presscon ng nasabing soap noong Lunes ng gabi, sinabi ni Maricel na talagang nahirapan siya sa bago niyang karakter, ibang-iba raw ito sa mga nagawa na niyang pelikula at sa sandamakmak na drama anthology niya noon.
Ayaw na rin niyang balikan ang mga hindi kagandahang nangyari sa kanya dati sa ABS-CBN, puro pasasalamat na lang sa GMA ang nais niyang ipagsigawan.
“I am very thankful to GMA for giving me this project. Grabe ang tiwala na ibinibigay nila sa akin, sa amin lahat dito sa Dalawang Mrs. Real.
I am glad I waited for this, I am proud and I’m very, very happy. That’s my tag line here. I’m happy. Hindi ako nagkamali,” ani Maria. Gagampanan ni Maricel ang karakter ni Millet Gonzales-Real, isang successful businesswoman na asawa ni Anthony (Dingdong) na mas bata ng halos 10 taon sa kanya.
Sa simula pa lang ay magiging masalimuot na ang pagsasama nila dahil kontra ang mga magulang ni Maria kay Dingdong. Pero mas lalong magugulo ang kanilang relasyon sa pagpasok ng isa pang Mrs. Real – na gagampanan nga ni Lovi Poe.
“Lahat kami dito sobrang excited, bukod kasi sa napakaganda ng story, makakasama pa namin ang pagkagagaling ng mga artista sa Philippine showbiz.
Pero ang masasabi ko, ibang klase rin ang energy ng mga bagets na kasama namin. Kaya alam ko ito ay magiging masaya at sana talaang suportahan nila,” pahayag pa ng Diamond Star.
Next year, Golden girl na si Maricel, at inaasahan niya na mas ma-eenjoy pa niya ang kanyang buhay, lalo na ngayong active na uli siya sa showbiz. Kitang-kita rin sa aura niya na wala na siyang masyadong iniintinding personal na problema.
“Yes, true! Wala akong problema. Halata naman, di ba? Alam n’yo naman ‘yan, kapag may problema hindi masyadong nagsasalita si Mary. May inhibitions.
Wala masyadong dialogue. Nagtitipid (sa pagsasalita). Pero ayan, chika nang chika! Walang pagtitipid. Walang ganyanm,” natatawang sey pa ng original Mrs. Real.
Magsisimula na ang seryeng Ang Dalawang Mrs. Real sa darating na Lunes, June 2 sa GMA TeleBabad. Makakasama rin dito sina Coney Reyes, Alessandra de Rossi, Robert Arevalo, Celeste Legaspi, Rodjun Cruz, Tommy Abuel, Jaime Fabregas, Dominic Roco, Marc Abaya, sa direksiyon ni Andoy Ranay.
Uy, siyanga pala, sa trailer pa lang ng serye, ipinakita na ang halikan nina Dingdong at Maricel, pati na rin ang maiinit na eksena nina Dingdong at Lovi.
Ang tanong, hindi kaya pagsimulan na naman ito ng matinding selos ni Marian Rivera? Ha-hahaha! Mang-intriga talaga?
Samantala, aminado naman si Dingdong Dantes na inatake siyang ng nerbiyos sa unang mga eksena nila ni Maricel Soriano. Starstruck daw talaga siya sa Diamond Star.
“Unang eksena pa lang namin, napasabak agad. Kaming dalawa lang ni Ms. Maricel. As expected, talagang kinabahan ako pero siyempre, at the same time, this is it.
So very excited din, for me as an actor, na makasama ako sa show na ito, tapos ‘yun agad ang eksena,” chika ng hunk actor.
“Marami na akong nagawang soap, marami na akong nakasamang award-winning actors, pero hindi ko talaga napigilan ang kabahan.
Starstruck na starstruck talaga ako sa kanya. Ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit tumagal siya sa industriya at kung bakit siya tinawag na Diamond Star,” sey pa ni Dong.
Inamin din niya na sobra rin ang pressure na napi-feel niya ngayong magsisimula na ang kanilang serye, “Of course, of course. Masaya naman kapag parating may pressure, hindi naman puwedeng parating kampante.
‘Yun naman ang maganda doon, kasi once nape-pressure ka, ibig sabihin mahalaga para sa ‘yo ang ginagawa mo at magagawa mo siya ng maayos, at siyempre gusto mo ring manabik ang audience.”
At dahil dalawa nga ang asawa niya sa serye, natanong si Dong kung sa tunay na buhay ba ay paano niya iniiwasan ang mga tukso? “Kapag nararamdaman kong iba na ang takbo ng usapan, o iba na ang tinutumbok ng sitwasyon, ako na ang umiiwas.
Magaling na akong magkontrol sa mga ganyang bagay.”
( Photo credit to EAS )