Aljur, Louise tinotoo na ang relasyon


NANANATILING tahimik si Aljur Abrenica tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Kylie Padilla. Ayaw kasing mamatay ang isyu na nagkakalabuan na ang magdyowa at ang itinuturong dahilan ay ang pagkakamabutihan daw nila ng leading lady niya sa seryeng Kambal Sirena na si Louise delos Reyes.

Kalat na kalat na ang chika na naghiwalay na diumano sina Aljur at Kylie, ito raw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang Kapuso actress mula sa Australia.

Nagtungo roon si Kylie para magbakasyon muna at makasama ang kanyang pamilya. Pero until now ay hindi pa rin bumabalik ng bansa ang anak ni Robin Padilla.

Ang balita, ayaw na siyang pabalikin dito ng kanyang nanay na si Liezel Sycangco, nagdesisyon na diumano ito na ipagpatuloy na lang ng dalaga ang kanyang pag-aaral sa Australia.

Wala pang ibinibigay na official statement si Aljur tungkol dito kaya nananatiling tsismis pa rin ang lahat. At hindi pa rin nagsasalita si Louise hinggil sa pagkakasangkot niya sa isyu.

Anyway, noong nakaraang Sabado, nagbigay kasiyahan si Aljur sa mga bata ng White Cross Children’s Home sa San Juan.
Sa tulong ng kanyang fans club na ALAB (ALjur ABrenica) ay naging posible ang charity event na ito.

Bukod sa pagpapakain sa halos mga 50 na bata, namigay rin si Aljur ng mga supplies tulad ng gatas at diapers. Kasalukuyang aktibo pa rin ang Kapuso actor sa World Vision foundation kung saan ay may sinusuportahan siyang mga bata.

Kaya naman sa charity event na ito ay lubos ang kanyang pasasalamat lalo na sa kanyang fans club na nag-organisa ng naturang event.

“Sobrang thankful ako sa ALAB dahil sa inorganize nilang charity event na ito. Alam naman nila kung gaano ko kagustong makatulong lalo na pagdating sa mga bata.

Kaya naman kahit sa sandaling oras ay masaya ako na nakapagbigay ako ng tulong at kasiyahan sa mga bata.” Samantala, sa primetime series na Kambal Sirena, hindi pa rin nagbabago ang pagtingin sa isa’t isa nina Kevin (Aljur) at Pearl (Louise delos Reyes) kahit na inamin na ni Kevin ang ginawang pagkulong ni Victorina (Chanda Romero) kay Marissa (Mickey Ferriols).

Ngunit nang makita ni Alona (Louise) kung paanong pinagmamalasakitan ni Kevin ang kanyang kakambal, maiisip nito na magpanggap bilang Pearl upang mahalin siya ni Kevin.

Magawa kayang malinlang ni Pearl si Kevin? Mapapanood ang Kambal Sirena gabi-gabi pagkatapos ng Niño sa GMA Telebabad.

( bandera.ph file photo )

Read more...