Netizens di type si Xian bilang Captain Barbell; mas boto kay Coco

JUST like Darna ay tila pinupulsuhan ng Dos kung sino ang gusto ng publiko na gumanap na Captain Barbell. Isa sa mga lumulutang na pangalan ang name ni Xian Lim who in one interview was asked kung ano ang reaction niya.

Nagsabi ng aktor  na tatanawin niyang isang malaking utang na loob sa Dos kung siya ang mapipili para sa iconic character.
But it seems that netizens are not ready to see him don the Captain Barbell costume.

Ayaw nila kay Xian to play the role.   “Parang ndi bagay sa kanya!!!” one guy commented. Ang isang fan, mas gusto na si Richard Gutierrez uli ang gumanap na Captain Barbell, “Tigil!! hindi bagay! bagay pa rin kay Richard Gutierrez. tutal wala naman syang contract sa GMA ehh!”

“Nooooo hnd bagay sa mga mayabang at masamang ugali ang captain barbel u must be down to earth and kind like angel locsin who’s playing darna,” sey naman ng  isa.

May isa namang guy ang nag-suggest na, “C coco martin na lng.” Bakit nga ba ayaw ng mga tao sa social media kay Xian? Ang feeling ba nila ay hindi bagay ang binate dahil more of Chinese looking ito than Pinoy na Pinoy na actor na gumanap nito?

Anyway, kung mapipili si Xian ay malaking break na ito sa kanya. Ang tanong, magustuhan naman kaya ang version niya ng televiewers?

( Photo credit to xian lim official fanpage )

Read more...