Bangayang Barretto Sisters sosyal; Freddie, Maegan pangmasa ang away


Ang sarap magbasa ng mga komento ng netizens tungkol sa gulong nangyayari sa pamilya Barretto (Gretchen, Marjorie at Claudine), pati na rin sa nangyayari sa mag-amang Ka Freddie at Maegan Aguilar.

Pareho raw kasing naglalabasan ng kani-kanilang mga baho ang mga ito sa publiko. Isa sa komentong nabasa namin, “Wala namang ipinagkaiba ang awayan ng Barretto at Aguilar, lahat ng baho nila, inilalabas nila on national TV.

Manong mag-usap na lang sila ng personal. Hindi ba sila nahihiya?” Sagot naman ng iba, “Oo nga, nagkataon lang na sosyal ang mga Barretto kasi Ingles-Inglesan ang Barretto sisters, samantalang tagalog naman ang Aguilar.

Masang-masa. Ha-hahaha!”

( bandera.ph file photo )

Read more...