Erwan: Wala akong pakialam sa showbiz!


Sa ayaw at sa gusto ng dyowa ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff ay hindi siya makakaiwas sa mapanuring mga mata ng publiko – kaya dapat mas maging open na siya sa mga intriga at kontrobersiya sa showbiz.

Nagiging nega kasi si Erwan ngayon dahil sa pagiging totoo at diretso sa pagsagot sa mga issue na bumabalot sa relasyon nila ni Anne. Ang huli nga ay nang magsalita siya tungkol sa kumalat na chika na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend.

Hindi naging maganda ang dating sa publiko ng kanyang naging paliwanag tungkol dito, masyado raw kasing mayabang at maangas ang dating ni Erwan.

Sa huling interview ng ABS-CBN sa boyfriend ng leading lady nina Sam Milby at Gerald Anderson sa seryeng Dyesebel, sinabi nitong ayaw na niyang patulan ang mga nagpapakalat ng tsismis sa kanila ni Anne.

“Honestly, that report, I don’t know where that came from,” he said with a shrug. “When I saw the whole piece, I’m like, okay. Something was said about something. Moving on.”

“I consider those statements, those people…they are not worth my time. I don’t want to bother myself with them,” paliwanag pa ng kapatid ng sexy actress na si Solenn Heussaff.

“I don’t care about showbiz. I just want to focus on what I do, on my industry (food and restaurant),” pagpapakatotoo pa ng dyowa ni Dyesebel.

Samantala, mukhang wala namang epekto sa career ni Anne ang pagiging nega ng kanyang boyfriend. Tuwang-tuwa ang buong production ng fantaseryeng Dyesebel sa Primetime Bida ng ABS-CBN dahil nakapagtala ito ng napakataas na rating nitong nakaraang Huwebes.

Muli, ang sirena serye ni Anne na napapanood pagkatapos ng TV Patrol ang nag-number one sa top 10 most watched TV programs sa buong bansa last Thursday.

Nakakuha ito ng 34.9% sa isinagawang survey ng Kantar/TNS. Bumaba naman sa pangalawang pwesto ang Ikaw Lamang nina Coco Martin, Kim Chiu, Jake Cuenca at Julia Montes.

In fairness naman sa dalawang teleseryeng ito mula sa Dreamscape Entertainment, palitan lang sila ng pwesto sa ratings game, ibig sabihin nito, si Anne pa rin ang masasabing nagrereyna sa primetime habang si Coco naman ang nananatiling Teleserye King.

In fairness, pareho kasing mabilis ang takbo ng kuwento ng Ikaw Lamang at Dyesebel. Kapag napalampas mo  ang isang episode, tiyak na marami ka nang mami-miss.

Akala mo nga, matatapos na ang kuwento dahil sa isang episode pa lang ay sunud-sunod na agad ang makapigil-hiningang mga tagpo. Dapat naman talaga mabilis ang pacing ng bawat eksena para hindi magsawa ang mga manonood.

( Photo credit to anne curtis official fanpage )

Read more...