Xian ginagamit lang si Kim?

Gimik lang daw ang kanyang panliligaw

Kung dati’y walang plano si Xian Lim na ligawan si Kim Chiu, ngayon  daw ay magsisimula na siya.

“Ngayon po, I just wanna make her feel special every single day na magkasama kami.

I don’t wanna waste time, ayokong magsayang ng panahon na hindi ko pinaparamdam sa kanya na special siya dahil it’s a blessing na nagkikita kami,” seryosong sabi sa amin ni Xian.

Nakakapagtaka ang biglang pagbabago ng desisyon ng aktor dahil lumalabas na ginagamit lang niya niya si Kim lalo na ngayong tanggap na ang loveteam (Jandy) nila ng mga tao?

“Hindi po ako nanggagamit ng tao, wala po. ‘Yun nga po, paulit-ulit kong sasabihin at paulit-ulit kong ipapaliwanag na hindi.

“Siyempre, may mga taong magsasabi na ginagamit, at naiintindihan ko po na ganu’n ang iniisip nila, pero hindi ako ganu’n klaseng tao, hindi po ako manggagamit.

Hindi po ako gagawa ng something na utos lang ng tao,” sangga ni Xian.

Sinabihan na ba niya ng ‘I love you’ si Kim? “Ha-hahahaha! Wala pa naman, wala pa namang ganu’n,” natawang sagot ng binata.

Kinunan namin ng reaksyon si Kim tungkol sa panliligaw ni Xian sa kanya at ‘yung sinasabi niyang ayaw niyang mag-assume ay heto na, totohanan na pala talaga dahil inamin na ng aktor sa harap niya.

“Siyempre, nakakahiya, kasi nandito talaga ako habang nagsasalita siya,” tumatawang sabi ng dalaga na talagang hindi na naitago ang pagkakilig.

“Ano, thank you (sabay harap kay Xian), ano ba, wala akong masabi, eh!”

“Paulit-ulit kong sasabihin talaga na gusto kong iparamdam sa kanya (Kim) ang pagiging special niya sa akin,” diin ni Xian sa harap ni Kim.

Ganting sagot ni Kim, “Ano ba, hot seat ba ang tawag dito?”

Si Xian ba ang nagpapasaya ngayon kay Kim at handa na ba siyang magpaligaw at magmahal ulit?

Halata kasing masayang-masaya na ngayon ang dalaga. “Ngayon n’yo lang ba ako nakikitang ganito? Parang ang tagal ko na yatang ganito (sabay tawa), hindi naman (sabay pigil sa bibig sa katatawa).

“Hindi naman, masaya na ulit.  Time na rin para hindi naman forever malungkot ang buhay, dapat masaya.  Pero mag-ingat-ingat lang tayo ng konti (sabay sabi namin kay Xian na ingatan si Kim).

Sagot naman ng binata, “Parang si Kim naman talaga ‘yung type na hindi dapat saktan. Siya ‘yung dapat aalagaan.” Hirit naman ni Kim, “Naku, kinilig naman ako du’n!”

“Nahihiya talaga ako para sa sarili ko kasi nandito ako, naririnig ko talaga ang sinasabi niya (Xian),” kinikilig pang sambit ng dalaga.

At mukhang nakuha ni Andy ang weakness ni Jade dahil ang sweetest thing na ginagawa sa kanya, “Ano, siguro mahilig siyang mang-surprise ng bulaklak sa sasakyan ko

Magugulat na lang ako pagbukas ko ng pinto ng sasakyan, may mga bulaklak. Tama na, ‘yun na ‘yun,” pambubuking ng dalaga.

At si Xian naman ang nahihiya sa pambubuking sa kanya ni Kim na dose-dosena raw ang bilang ng iba’t ibang klaseng bulaklak na bigay niya na kadalasan ay roses na iba’t ibang kulay.

Tinanong namin kung saan niya inilagay ang napakalaking teddy bear na bigay ng binata, “Sa kuwarto ko. Ha-hahaha! Tama na (pinatigil na ang interview), ayoko na sa hot seat !” tumatawang pakiusap ni Kim.

Samantala, masaya at thankful si Kim sa loyal supporters niya at kahit daw ang Kimerald ay botong-boto sa kanila ni Xian, “Hindi nga sila nagagalit, eh.

Nanonood pa rin sila ng My Binondo Girl. Masaya ako talaga. At ini-enjoy ko ngayon ‘yung moment (kinikilig) na ganu’n,”

Dumalaw na rin daw si Xian sa bahay niya at nakilala na rin ito ng kanyang mga kapamilya at mga kaibigan.

Okay naman daw si Xian sa kanila kaya natutuwa siya dahil tanggap ng mga ito ang binata.

Read more...