Martin sa pakikipaghalikan sa kapwa lalaki: Sorry po!


KAAGAD na nag-react si Martin del Rosario sa tila demolition job against him matapos kumalat ang kissing photo ng kanyang lookalike sa internet.

Sa kanyang Twitter account na @mart_drosario ay nag-deny si Martin na siya nga ang guy na nakunan ng litrato na nakikipaghalikan sa isang event.

“Kissing boy issue? Sorry po to disappoint u but it’s not me. Lumabas na yung name nya but OUT OF RESPECT i’d rather be silent about it,” tweet niya.

Clueless si Martin kung sino ang may pakana ng pagkalat ng picture niya. “I wonder kung sino gumagawa nito sa akin? Just because…..Good vibes all the way na lang!” say niya.

Obviously, merong isang taong tila malaki ang galit kay Martin kaya naman ipinakalat niya ang kissing photo. Siyempre nga naman, netizens will be curious kung siya nga ‘yung guy na nakunang nakikipaghalikan.

Aware si Martin na merong gender issue na inire-raise laban sa kanya kaya imposibleng gumawa siya ng eksenang ganoon, ‘no!

 ( Photo credit to martin del rosario officail fanpage )

Read more...