NA-ENROLL na ni Sunshine Cruz ang kanyang mga anak sa actor na si Cesar Montano sa La Salle Alabang. Nakalipat na kasi si Sunshine and her kids sa nabili niyang bahay sa BF Homes, Parañaque na malapit lang sa bahay ng kanyang ina.
Hindi nga akalain ni Sunshine na makakabili siya agad ng house and lot pagkatapos mahiwalay kay Cesar. Kwento ni Sunshine, wala pa raw P100,000 ang pera niya nu’ng hiwalayan niya si Cesar.
Ilang buwan lang ang lumipas, milyun-milyon na agad ang kanyang kinita. Kaya nga raw kapag nakita niya ang itinuturong dahilan ng hiwalayan nila ni Cesar na si Krista Miller, e, baka yakapin pa niya ang sexy star.
Feeling kasi ni Sunshine, e, nakawala siya kay Cesar. Nagpaka-martir daw talaga siya sa ex-husband at ni halos ayaw niyang magpabili ng kung anu-ano sa aktor.
In fact, siya pa mismo ang nagpipigil kay Cesar na ibili siya ng mamahaling bag. Pero isang beses daw ayaw siyang isama ni Cesar sa awards night ng Metro Manila Film Festival two years ago.
Nagpapabili siya ng gown para sa awards night pero ayaw siyang bigyan ni Cesar ng pambili. Kaya ang ginawa niya, siya na mismo ang nagbayad sa kanyang gown at nagulat si Cesar nu’ng makita siya sa venue ng awards night.
Dati rin daw ay wala siyang kaalam-alam sa pagluluto, pero pinag-aralan niya at naging chef pa siya sa dating Italian resto ni Cesar. Nanghihinayang nga raw siya dahil nagsara na ang naturang resto.
Wish ni Sunshine na maibalik ito kaya lang alam niyang hindi ibibigay ni Cesar ang name ng establishment. Ngayon, tanggap na ng mga anak nila that they have their own separate lives na.
They even prayed pa raw na makakita na sila ng kani-kanya nilang bagong partners in life. At maging si Sunshine, tahasan niyang sinabi na hindi na niya mahal si Cesar.
Inspirado naman ngayon si Sunshine sa mga proyekto niya sa ABS-CBN gaya ngayong Sabado ng gabi sa Maalaala Mo Kaya, bibigyang-buhay niya ang karakter ng ina na si Julie na kailangangn isakripisyo ang kalusugan ng mga anak sa hangaring mapahaba ang buhay ng panganay na anak sa pamamagitan ng isang bone marrow transplant.
Gaganap naman bilang anak ni Sunshine sa isang heavy family drama episode ng MMK ang award-winning child actor na si Zaijian Jaranilla bilang isang batang may leukemia.
Makakasama nina Zaijian at Sunshine rito sina Dominic Ochoa, Lui Manansala at Biboy Ramirez sa direksyon ni Emmanuel Palo.
Samantala, lumipad ng Cebu kamakailan ang grupo ng MMK, headed by its host ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio, para sa “MMK Reunion” na dinaluhan ng libo-libong MMK letter-senders mula sa Cebu, Bohol, at Dumaguete City.
Dito personal na pinasalamatan ni Charo ang lahat ng mga nagbigay-inspirasyon sa sambayanang Pilipino sa buong mundo sa pamamagitan ng kanilang mga kwento.
( Photo credit to sunshine cruz official fanpage )