Atom Araullo tinawag na ‘Pinakawalang Kuwenta’ ang Showbiz Reporter ng TV5


Hindi naging maganda ang reaction ng mga tao sa social media about Atom Araullo’s recent Twitter post where he called TV5 reporter Jun Sabayton as “pinakawalang kwentang showbiz reporter”.

Nagkasabay kasi sina Atom at Jun sa coverage ng isang project ng Department of Education. Bago pa man mag-umpisa si Atom ng kanyang live coverage ay pinuntahan siya ni Jun at inamoy.

Si Lourd de Veyra naman, nag-message kay Atom ng ganito, “Boss @atomaraullo Sorry ha. We need the ratings ‘@News5E:|JUN SABAYTON, GINULO ANG COVERAGE NI ATOM ARAULLO.”

Sumagot naman kaagad si Atom ng ganito, “@lourddv @junsabayton karangalan ko ang mahaplos ng pinakawalang kwentang showbiz reporter.”

Ang TV5 reporter naman na si Jun ay nag-post din ng mensahe ng pasasalamat kay Atom at Lourd, “@atomaraullo @lourddv Sir Maraming Salmat talaga ng marami kanina.”

Apparently, hindi nagustuhan ng mga tao sa social media ang maangas na message ni Atom kaya siya binash nang husto. Parang insulto kasi ang naging dating ng statement niya kaya naman marami ang bumatikos sa young TV reporter ng Dos.

At dahil hindi naman komedyante, hindi naisip ng mga netizens na Atom was probably just joking about the whole thing. May pinag-aralan naman si Atom para mambastos ng kapwa niya reporter, ‘no!

( Photo credit to atom araullo official fanpage )

Read more...