Sarah magaling ‘manglandi’ ng lalaki, Coco bumigay


Kabilang ang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa wishlist ng aktor na si Coco Martin na makasama niya sa pelikula. Lahat naman siguro ng batang aktor ngayon gustong makasama si  Vi pati na ang iba pa na masasabing institusyon na sa industrya.

Bukod kay Gov. Vi, nasa wishlist din niya sina Dolphy at Fernado Poe Jr. Kaya lang nga, dead na sila. At least, happy naman si Coco na nakasama na niya recently sa katatapos lang din na movie na ginawa niya with the one and only Superstar na si Nora Aunor sa isang movie project.

And now, looking forward siya to do a film with Gov. Vi and the Diamond Star Maricel Soriano. Anyway, every time napapanood namin ang mga TV commercials ni Coco Martin we can’t help but to be amazed and smile.

Kasi may kwento, may puso at makatotohanan ang mga ito. Unlike ‘yung ibang TVC na napaka-ilusyonado at pekeng-peke.
Nakakaiyak ang kwento ng tagumpay ni Coco na nai-translate sa kanyang Max’s TV commercial.

Very aspirational, ‘di ba? Kaya naman every time mapapanood namin si Coco, natutuwa kami kasi nagawa niyang iangat ang buhay niya sa kanyang sariling sikap.

At ngayong successful and rich na siya, hindi namin siya nakitaan ng yabang. Very humble pa rin at may ngiti lagi na naka-ready sa mga manunulat especially ang movie press na nakilala niya nu’ng struggling actor pa lang siya sa indie films.

Marunong din kasing makuntento si Coco. Kumpara nga naman noon na halos ni pamasahe wala siya, e, ngayon sa isang magarang sasakyan na siya nakasakay at para sa kanya ay napakalaking kayamanan na noon, huh!

Kulang na lang talaga ngayon kay Coco ay isang inspirasyon na magpapasaya ng kanyang puso. Kakakilig nga sana kung ang leading lady niya sa latest movie niya na “Maybe This Time” na si Sarah Geronimo ang bago niyang inspirasyon, e.

Panonoorin talaga namin ang movie nina Sarah at Coco dahil curious kaming makita kung paano “nilandi” ni Coco si Sarah. Imagine, isang serious actor na gaya ni Coco, bumigay kay Sarah?

From a source nalaman namin na may mga pasabog na mga eksena pala sina Sarah at Coco sa movie na ipalalabas na sa May 28. May premiere night din ang pelikula sa May 27 sa SM Megamall.

( Photo credit to EAS )

Read more...