Zaijian Jaranilla biktima ng leukemia sa MMK


Isang mapaghamong papel na naman ang bibigyang-buhay ng award-winning child actor na si Zaijian Jaranilla sa espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Isang batang may leukemia ang gagampanan ni Zaijian. Damhin ang hirap ng pinagdaraanan ni Clark (Zaijian) at ng kanyang ina na si Julie (Sunshine Cruz) na kailangang isakripisyo ang kalusugan ng tatlo pa niyang anak sa hangaring mapahaba ang buhay ng panganay sa pamamagitan ng isang bone marrow transplant.

Makakasama rin sa MMK episode na ito sina Dominic Ochoa, Lui Manansala at Biboy Ramirez. Ito ay sa direksyon ni Emmanuel Palo, sa panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos, at sa pananaliksik ni Akeem del Rosario.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda dela Cerna at executive producer na si Lindsay Anne Dizon.

Huwag palampasin ang isa na namang nakakaiyak ngunit inspiring na kuwento sa longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK, ngayong gabi na ‘yan sa ABS-CBN.

( Photo credit to EAS )

Read more...