Fans ng One Direction bwisit na bwisit, di nakakuha ng VIP ticket


Bwisit na bwisit ang ilang Pinoy fans ng international boy band na One Direction. Nagrereklamo kasi sila dahil siguradong wala na silang chance na makabili ng VIP tickets para sa concert ng nasabing grupo sa March, 2015.

Kahapon nagbukas ang pagbebenta ng ticket sa kauna-unahang concert ng One Direction sa bansa at talaga namang sumugod ang libu-libong supporters ng all-boy band sa Mall of Asia Arena para lang mauna sa pila ng bilihan ng ticket.

At nang ihayag nga ng organizers ng concert na soldout na ang VIP tickets, nagsimulang mag-alburoto ang napakaraming pumila sa MOA.

Sa katunayan, gabi pa lang ng Huwebes ay nasa MOA na ang karamihan sa kanila para mauna sa pila. Ayon sa ilang fans, naiinis sila dahil ang aga raw nagbenta ng tickets para sa concert kaya wala na silang panahon para makapag-ipon.

Kasabay nito, nag-trending worldwide sa Twitter ang hashtag na “VIP is SOLD OUT”.

( Photo credit to one direction official fanpage )

Read more...