Para sa may kaarawan ngayon: Birthday mo ngayon! Magusot ng kulay na red! Red na underwear at red na t-shirt. Sa ganyang paraan, mahihigop mo ang maraming pera at masarap na romansa. Mapalad ang 3, 12, 15, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel”. Bukod sa red, ang pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Simple lang ang pormula upang lumigaya! Sundin ang tinitibok ng puso. Sa ganyang paraan sa pag-ibig at salapi magtatagumpay at magiging maligaya ka. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vai-Om-Kuntha.” Blue at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Dagdagan pang lalo ang mga pagsisipag upang lalong umunlad. Ganon din ang gawin sa pag-ibig, pagbutihin ang pakikipag-relasyon at romansa sa minamahal habang malakas pa ang inyong katawan. Darating ang panahong ang lahat ay lilipas. Mapalad ang 2, 7, 9, 25, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “I will live this day as if it is my last.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Hindi dapat mainip sa pagdating ng suwerte. Ang mahalaga magpakatino ka. Sa matino at mabuting kaloooban, ang salapi at maligayang pag-ibig ay kusang dumadatal. Mapalad ang 7, 16, 23, 31, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vasudeva-Om-Vedanta.” Maroon at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Kapag dumating na ang tag-ulan, umasa kang magsisimula na rin ang suwerte mo sa aspetong pang-materyal at sa aspetong pag-ibig. May malaking halaga ng salapi na darating at nakakikilig na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 6, 19, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Red at black ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Kung patuloy kang tutulog-tulog, magiging tutulog-tulog din ang kapalaran. Araw-araw gumising ng maaga! Sa pinansyal, sa negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya uunlad ka. Sa pag-ibig, alagaang mabuti ang kasuyong Aries. Mapalad ang 6, 19, 28, 32, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Rama-Krisna.” Purple at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Wag ng isipin pa ang nakaraan! Maging masaya ka na sa kasalukuyang kasuyo. Sa pinansyal, simulan ang negosyong noon mo pa naiisip – kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Visnu-Om-Purana.” Red at apple green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Dagdag karangalan ang matatanggap! Hindi dapat tumigil, hangga’t bumubuhos ang salapi, tuloy-tuloy lang ang pagsisipag. Sa pag-ibig, nalulungkot ang kasuyong mapayat – makipag-kita ka sa kanya. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Namo-Name-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Kapag nabuo na ang tiwala mo sa iyong sarili, tuloy-tuloy ng uunlad hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, i-enjoy mo lang ang pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 33, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om-Katha.” Red at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Dahil laging kapos sa pang-gastos, panahon na upang magtipid. Walang ibang solusyon upang umunlad kundi ang magsinop ng kabuhayan. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Aries na sumpungin. Mapalad ang 1, 19, 18, 23, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sukadeva-Aum-Mantra.” Yellow at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Huwag ng singilin ang mga dating pautang, kunsumisyon lang ang aabutin mo sa kanila. Wag na lang silang pauutangin pang muli. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pagtiwalaan – ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 6, 19, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vajur-Om-Veda.” Orange at brown ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Upang hindi dapuan ng karamdaman, piliin ang mga pagkaing natural kaysa sa mga pagkaing may maaskad na kemikal. Sa pag-ibig mag-pamasahe at mag-pahilot mamayang gabi sa kasuyong Gemini. Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Green at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Negosyong may kaugnayan sa prutas, tubig at likido ang dapat simulan. Sa nasabing kalakal ka yayaman. Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang hanap piliin ang isang Capricorn. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om-Govinda.” Green at blue ang buenas.
HOROSCOPE, May 24, 2014
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...