Sulat mula kay Lailani, ng Barangay Central, Dipolog City
Problema:
1. Niloko ako ng textmate ko at nagpaloko naman ako. Hindi ko alam kung bakit nadala ako ng lahat niyang kuwento, gayung sa barkada, ako ang mausisa at palaging nagdududa. Sa unang eyeball namin ay kumain lang kami at namasyal. Sa ikalawang eyeball ay kumain muna kami saka nanood ng sine. Paglabas ng sine ay nagtuloy na kami sa maliit at malamig na kuwarto. Ang sabi niya ay binata siya kaya hindi na ako tumanggi nang hingin niya iyon.
2. Kinabukasan ay doon lamang ako nag-usisa at nadiskubre ko na may asawa na siya at may mga anak pa. Inilihim ko sa kanya ang aking nadiskubre. Nang mabuntis ako ay ibinalita ko agad ito sa kanya at naglaho na siya. Pero nangako siya na maghahanap siya ng pera para sa panganganak ko. Hindi na siya nagbalik. Susustentuhan kaya niya ang bata? Ano ang mangyayari sa buhay ko kapag naging dalagang ina ako?
Umaasa,
Lailani, ng Barangay Central, Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ay nagsasabing ang lahat ng mga pagsubok na pi
Lailani, ayon sa iyong kapalaran, kung buntis ka ngayon, okey lang ‘yan. Lilipas at mapaglalabanan mo ang pagsubok na nabanggit at kahit na maging dalagang ina ka pa, nakatakda na ang magaganap— isang lalaking nagtataglay ng initial na R.A. ang iyong makikilala, magiging boyfriend mo. At kahit na dalagang ina ka, wagas niyang mamahalin at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.