HI po, doc. Mag ask po ako, kasi po yung baby ko yung balat nya meron pong pula-pula na magka- dikit-dikit. Ano po kaya ito, doc? — Jessa Joy, 20, ….3436
Mas maigi na makita natin ang skin lesion ng baby mo. Saan ba ito? at gaano ba kalaki? Maari kang magpadala ng picture o kaya naman ay ipatingin mo sa pediatrician ang iyong baby. Baka congenital nevus ito o kaya ay hemangioma.
vvv
Good pm doc, ask ko lang po may nakita po akong maliit na nana na nakalabas sa puwet ko. Hindi po naman siya dumudugo at hindi rin masakit. Almoranas po ba ito? Natatakot po ako kasi may medical ako sa work. Help naman po, ano po ba ito? Salamat. — Dens Estrella, 23, San Ildefonso, Bulacan
Hello Dens, “anal tag” ang tawag diyan. Dati yan na “external hemorrhoids” na gumaling na. Huwag mong ikatakot ito, obserbahan na lang kung lumalaki, kumakati o may pagdurugo. Kung sinasabi mong hindi naman dumudugo at sumasakit, OK lang. Basta mag-obserba lang palagi.
Doc, minsan po mabilis ang heartbeat ko. Nagpa-blood chem na po ako, ECG, 2D echo na rin po ako, no problem naman. Ang hindi ko pa po nagagawa ay ang FT4, TSH. Kung sakali sa thyroid ang problem ko, anu-ano po ang mga pagkain na dapat kong iwasan. Neobloc, Therabloc, Nevibolol, at Vestarpo ang inirekomenda sa aking palpitation. Thanks po, — Agnes, 40, Tacloban, ….2903
Ipinapayo ko sa iyo Agnes na tapusin mo muna ang lahat ng tests na dapat ay gawin sa iyo. Idagdag mo na rin ang thyroid gland ultrasound para mabatid natin kung ano talaga ang problema mo. Gaya nang dati, ang payo natin ay umiwas sa mga mamantika at maaalat na pagkain. Uminom parati ng tubig at palaging mag-ehersisyo at tamang oras sa pagtulog.
Good day. Dr. Heal.,yung tungkol sa Venereal warts, may alam po ba kayo na pwede kong puntahan para magpasunog ng warts (electrical cauterization, laser fulguration,chemical cautery) na gaya nang sinabi ninyo sa mga nakaraan ninyong artikulo? Dahil gusto ko na talaga matanggal ito, lumalaki at dumadami kasi ang warts ko, doc. Mahal po ba ang bayad? — ….0552
Kahit kaninong dermatologist o clinic ay meron ganitong gamit at procedure, maaari ka roon pumunta at magtanong. Hindi naman kamahalan ang bayad nito.
Inaaanyayahan ko kayong lahat na sumanib dito sa ating kapisanan, ang BARANGAY KALUSUGAN, ang ating magiging ugnayan tungo sa pagpapaunlad ng ating kalusugan. Isulat, i-text, ang inyong mga tanong ditosa Bandera. Sundan sa Facebook at Twitter: barangay.kalusugan@yahoo.com. Isulat ang inyong mga tanong, karanasan at paniniwala tungkol sa kalusugan, at ibahagi pati na rin ang inyong mga gawain at pamumuhay na naghahatid ng magandang resulta sa inyong kalusugan para sa kaalaman ng lahat at lalo na sa inyong pansariling kaangkupan.