HOROSCOPE May 23, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal, kung hindi magawang tanggihan ang pang-aabala ng mga kaibigan, kailangang pagkaperahan mo sila. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na relasyon sa isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre. Mapalad ang 8, 15, 19, 23, 29, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Red at gray ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, kusa nang giginhawa ang buhay na mararamdaman  pagpasok ng buwan ng Hulyo. Sa pag-ibig, malaki ang magagawa ng kasuyo upang yumaman. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitra-Om.” Blue at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa pinansiyal, walang mangyayari sa tsismis, iukol ang oras sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat paniwalaan upang ikaw ay suwertehin – ang kasuyong chubby na medyo sexy.  Mapalad ang 7, 19, 23, 34, 40 at 47. “Aum-Minna-Aum-Galla.” Yellow at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansiyal, habang nag-iisip ng masama sa iba, lalo ka lang mamalasin. Sa pag-ibig, kung hindi ka magiging tapat sa kasuyong  Libra, posibleng gantihan ka rin niya. Mapalad ang 8, 18, 23, 31, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Green at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Isang Capricorn ang magpapautang ng malaking halaga. Sa pag-ibig, magiging magulo na naman ang relasyon dahil sa topaking kasuyo. Habaan ang iyong pasensiya.  Mapalad ang 4, 15, 23, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Aum-Githa.” Silver at magenta ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pinansiyal, ipakita sa kanila na mabubuhay ka kahit hindi mangutang, sa simpleng teknik na: “Operation malawakang pagtitipid!” Sa pag-ibig, huwag magpaimpluwensya sa kasuyong bulagsak! Mapalad ang 8, 14, 23, 32, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bisvivit-Quivit-Aum.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Mag-ingat sa isang kaibigang Leo,  may babala na raketin at lokohin ka na naman niya. Sa pag-ibig, iwasan makisawsaw sa mga relasyong imoral. Mapalad ang 5, 16,  23, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Viribus-Candor.” Gray at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Balikan ang mga fairy tale na kuwento ng pag-ibig na iyong nakaranasan, ito ang magpapasigla ng iyong espirito at kaluluwa.  Sa pinansiyal, kung magnenegosyo na may kaugnayan sa pagkain, malaking halaga ng salapi ang kikitain. Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yama-Yasoda-Om.” Violet at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa pagiging tapat, mas malaking pag-unlad ang makakamit. Sa pag-ibig, kapag pinaglilihiman mo ang kasuyo ay hindi magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: Aum-Certum-Est-Om.” Beige at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Ang samaan ng loob ang magtutulak palayo sa salapi! Sa pagiging mahinahon at mapagpatawad ay tuloy ang pasok ng suwerte. Sa pag-ibig, huwag awayin ang kasuyo sa maliit na pagkakamali. Mapalad ang 4, 13, 23, 39, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Red at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—“Slowly but surely” ang dapat upang umunlad.  Sa pag-ibig, maging mahinahon sa pagkakamali ng kasuyo upang huwag masira ang iniingatang relasyon. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Violet at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, hanapin ang mga dating kaibigan upang lumigaya! Sa pinansyal, higit na lalago ang kinikita kung muli kang lalabas ng bahay at makikiumpok sa mga sosyalan. Mapalad ang 4, 8, 17, 24, 39, at 40.   Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Yellow at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pinansiyal, walang ibang maaasahan ang mga mahal sa buhay kundi ikaw, maluwag sa loob na tumulong at magbigay. Sa pag-ibig, balanseng pagtingin ang dapat sa kasuyo at sayong mga kadugo, para walang away. Mapalad ang 1, 8, 27, 33, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Govinda-Om.” Maroon at white ang buenas.

Read more...