Beristain ayaw na ng Pacquiao-Marquez 5

PIPIGILAN ng Mexican trainer na si Nacho Beristain si Juan Manuel Marquez na tanggapin ang alok na ikalimang pagtutuos kontra kay Manny Pacquiao.

Para kay Beristain, sapat na ang apat na sagupaan ng dalawang mandirigma at hindi na dapat pumayag si Marquez na magkaroon ng isa pa dahil masasayang ang magandang panalo na naiukit nito sa huling pagkikita.

Huling nagsagupa ang dalawa noong Nobyembre  2012 kung saan pinatulog ni Marquez si Pacquiao sa ikaanim na  round.
“I do not care who is angry but I will do everything possible to prevent Juan Manuel Marquez from stepping in the ring with Pacquiao for a fifth time,” wika ni Beristain sa panayam ni Salvador Rodriguez.

Nanalo sa pamamagitan ng unanimous decision si Marquez kay Mike Alvarado noong Linggo na isang eliminator para malaman kung  kanino idedepensa ni Pacquiao ang hawak na WBO welterweight title.

“I know the desire of Juan Manuel Marquez and myself is to conquer a fifth division, but it should not be against Pacquiao,” dagdag nito.

Itinutulak ng Top Rank ang nasabing laban dahil naniniwala si Bob Arum na marami ang interesado na makita kung makakabawi pa si  Pacquiao mula sa knockout na pagkatalo.

“He (Marquez) has nothing to prove, people will remember him for what he’s done in his career, for giving the people big fights, for having faced the best of his time,” sabi ni Beristain.

Read more...