Kris ‘mom’ at ‘dad’ na ang tawag sa magulang ni Derek

DEREK RAMSAY AT KRIS AQUINO

Hayan, may iskup sana kami kung tumuloy kami sa Dusit Hotel noong Miyerkules para sa Miss Teen Earth presscon ni IC Mendoza. Nakita raw kasing nag-dinner sa nasabing hotel sina Kris Aquino at Derek Ramsay.

Mabuti na lang at kami agad ang tinawagan ng aming source na siya mismong nakakita sa pagpasok sa isang Japanese restaurant sina Kris at Derek with the actor’s parents.

Yes bossing Ervin, kasama si Kris sa dinner ng pamilya Ramsay at narinig daw ng mga guest sa katabing table nila na tinawag ng Queen of All Media ang mga magulang ng aktor ng “mom” and “dad.”

Nakakapagtaka lang, kasi bakit hindi ito ipinost ni Kris sa kanyang Instagram? E, di ba halos lahat ng nangyayari sa kanya ay laging nasa IG account niya? O, baka naman gusto niyang ilihim talaga na si Derek ang dine-date niya ngayon. Niligaw lang niya ang mga tao nang sabihin niyang A.G. ang initials ng guy?

Kasusulat lang namin dito sa BANDERA noong isang araw na dinalaw ni Kris si Derek sa hospital matapos nga itong ma-confine dahil sa pneumonia.

Kung hindi pa nagpasalamat ang aktor kay Kris sa kanyang Instagram ay hindi pa namin malalaman. Kaya pala humahangos si Kris na dumating sa Aquino & Abunda Tonight noong Myerkules dahil binisita pa niya si Derek.

Do I smell something fishy this time, bossing Ervin?

Read more...