Luis: Kung mabubuhay ako bilang babae, si Alex Gonzaga ako!


Noong makatsikahan namin ang ampon naming si Luis Manzano sa presscon of The Voice Kids, masaya nitong ibinahagi ang mga samut-saring developments sa buhay niya.

Siyempre hindi namin siya pinaligtas sa tanong hinggil sa ikalawang pakikipag-bonding ni Angel Locsin sa kanyang pamilya lalo na kay Gov. Vilma Santos na lagi namang supportive sa kanyang anak.

“Naku, noong dinala ko nga sa bahay noong Mother’s Day, wala silang ginawa kundi ang magtsikahan about The Legal Wife. Si Mommy kasi, tinutukan yung soap nina Angel at bilib na bilib siya rito,” kuwento pa ni Luis.

Pero ang ilan nga raw sa magagandang “redevelopment” ng relasyon nila ay yung mas magaan at kaswal na nilang napag-uusapan ang mga bagay-bagay gaya ng planong pagpapakasal.

“Noon kasing unang naging kami, we really did not talk about it. Ngayon, basta may pagkakataon at natatanong, sige. One time nga ako na mismo ang nagtanong sa kanya kung ready na ba siyang maging First Lady?

Ngiting napakasarap lang ang isinagot niya,” sey pa ni Luis. Mas kaswal na rin kasing napag-uusapan with Luis ang noon pang pag-engganyo ditong pasukin na din ang politika though wala naman daw siya talagang sinasabi kung kailan at anong posisyon dahil aniya, “I am still deeply considering it, trying to reevaluate things and yes, paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung handa na ba talaga ako?”

Kaya kung mayor man sa isang lugar sa Batangas o mas mataas pang posisyon  ang nais itulak sa kanya ng mga naniniwalang kaya na niya ang public service, sa bandang huli raw ay siya pa rin ang magdedesisyon.

Samantala, kuwela raw ang inaasahan niyang pagsasama nila ni Alex Gonzaga as hosts sa The Voice Kids. “Naku, sa sobrang daldal namin, riot lang talaga ang puwede kong sabihin na kalalabasan ng pagiging hosts namin ng The Voice Kids.

I’m telling you, kung mare-reincarnate man ako bilang isang babae, walang duda, 100% na Alex Gonzaga ang labas ko,” ang natatawa pang tsika ni Luis. Simula na ngayong Sabado, May 24 ang The Voice Kids sa ABS-CBN weekend primetime.

( Photo credit to luis manzano official fanpage )

Read more...