‘Vice Ganda’ tinawag na laos at inutil si Vic


TILA may gustong manira kay Vice Ganda. Meron kasi kaming nakitang video post sa Facebook na kung iisipin mo ay talaga namang attention-grabbing.

“VICE GANDA SINABIHANG LAOS AT INUTIL si VIC SOTTO on AIR!” Yan ang very screaming title ng video. But when we tried to open it, hindi naman ito nagbukas, wala kaming nakitang video.

Patunay lamang na isa itong malaking scam. Maging ang ilan sa mga nag-comment ay hindi naniniwala na sasabihang laos at inutil ni Vice si Vic.

Bakit naman niya gagawin ‘yon? Hindi naman ganoon kabastos si Vice, ‘no! “Hindi sasabihin ni vice yan idol nga nya c vic sotto imposible lakas makasira nito,” say ng isang guy.

“Scam yan ate,” tili naman ng isa pa. “Hindi yan totoo.. hahahha,” one guy wailed. We also believe na kahit gaano katinding magsalita si Vice, never niyang babastusin o iinsultuhin ang isang haligi ng industriya.

At naniniwala kami na natuto na siya sa nangyari sa kanila noon ni Jessica Soho.

( Photo credit to vice ganda official fanpage )

Read more...