NAGULAT ako sa isang message sa akin ng isang non-Anne Curtis follower – she’s very disappointed daw doon sa mga taong pilit na ginagawang concert artist si Anne Curtis – as in, isang serious concert artist daw, ha.
“Nu’ng una, kahit hindi ko gusto si Anne, pumayag akong mag-show siya sa Araneta just for kicks. Kasi nga pangarap daw niyang makatungtong sa malaking entablado para makapag-perform in a concert.
Alam kong aminado siyang hindi siya singer – my gosh! Nakakaloka ang pagkasintunado niya, grabe! “Oks lang sa akin iyon nu’ng una dahil akala ko after that ay titigil na siya sa kanta-kanta.
Yung itutuloy na lang niya ang kalokahan niya sa mga karaoke bar with friends pero never in my mind na kakaririn niya pala talaga ito. Nag-world tour pa siya na parang feeling concert artist talaga.
“Anyway, hindi ko carry ang pagbibigay ng producers niya ng ilusyon sa kaniya that she can be one of the world’s best – nakakagigil. Buti na lang kamo at hindi masyadong napuno itong second major concert niya compared to before.
Okay lang kasi nu’ng una, novelty pa ang dating pero nitong pangalawa, parang binabastos na nila ang music industry. Lalo na ang Viva na iyan na nag-produce ng concerts niya.
“Puro pera lang ba ang concern nila, hindi na nila naisip ang industriya ng musika, respeto naman sana. Iba naman yung kay Vice Ganda, komedyante siya kaya may lusot siya roon.
Pero itong kay Anne, artista siya, maganda at sexy pero hindi qualified na komedyana. Parang nagiging komedyante lang siya when she sings dahil saliwa talaga ang boses.
Itong Viva pa naman who handles singers ay dapat alam kung saan hihinto sa pagkalakal sa kapangitan ng boses nitong si Anne. “Akala ba nila ay nakakatuwa sila.
They are in fact bastardizing the music industry, pilit nilang pinu-promote ang isang non-singer more than the qualified ones. Sasabihin nila na trip-trip lang and they are striking lang while the iron is hot. No! That’s grossly unfair.
Ito namang ABS-CBN, promote nang promote ng ganitong klaseng artists sa music industry kahit alam naman nilang walang kuwenta ang boses. Nakakababa tuloy ng respeto sa mundo ninyo.
“Yung matitinong singers ayaw bigyan ng matinong exposures pero itong mga walang kuwenta ang boses ay nakaprente, they find it cute daw kasi.
Hasus! Kaya this industry will surely go down the drain kung iyan ang paiiralin n’yo lagi,” anang friend naming si Elizabeth na pati ako ay parang nasermunan na rin.
Hey friend, hindi ako kasali rito, ha. Love ko lang si Anne kaya hindi ko siya kinokontra. But of course, I understand naman your point. Ano nga naman ang magiging reaksiyon ng mga tunay na singers kung ang mga shows ng katulad ng sintunadong si Anne Curtis ang siyang nakakapuno ng Araneta Coliseum?
“Bakit hindi nila ipagprodyus ng malalaking concert ang mga singers nila sa ASAP? Kasi nga, hindi na ito tatauhin dahil sinanay nila ang mga taong manood ng mga shows ng mga big stars nila kahit hindi naman talaga singers.
They promote those na walang kuwenta and yung mga magagaling nila ay ginagawa na lang nilang back-up. At ito namang si Anne – matuto ka namang makuntento sa buhay, Ineng! Sikat ka nang artista and TV host and you have so much money na dahil sa left and right mong endorsements.
“And since nakatikim ka na ng Araneta sa saliwa mong boses, tigil ka na sa aspetong iyan and concentrate more on your strengths. Huwag masyadong suwapang sa lahat. You cannot have them all, OK?” pahabol pa ni Mareng Elizabeth.
( Photo credit to anne curtis official fanpagr )