SA unang pagkakataon nga ay inamin na ni Bamboo na may asawa’t anak na siya. Nagpakatotoo ang rock singer sa ginanap na The Voice Kids presscon kamakailan.
‘Yun nga lang, hindi niya binanggit kung ilang taon na ang dalawang anak – isang babae at isang lalaki – at kung ilang taon na silang kasal ng kanyang asawa.
Pero ayon sa aming source, na masasabing very loyal at good husband daw ang isa sa coach ng The Voice Kids. Dahil dito ay tinanong si Bamboo kung papagayan ba niyang sumali ang mga anak sa nasabing reality show, “No to letting them join talent shows.
It’s just me as a parent. I don’t think I could handle that,” diretsong sagot ng rakista. Baka hindi kayang tanggapin ni Bamboo na baka matalo ang mga anak? “No, it’s not the defeat. I just can’t handle everything.
I don’t know. I could not. I know myself. I don’t want to put pressure on them. It takes something else. “I know my capabilities and I know who I am. So, I know definitely na hindi ko kaya yun.
I could not do that,” esplikang mabuti ng singer. Pero payag naman si Bamboo na sundan ng dalawang anak ang yapak niya bilang rakista? “Ah, I hope not. Ha-hahahaha!” napangiting sagot ni Bamboo.
Parang lahat hindi puwede? “Ah, anything, he can be anything he wants. Inuuna ko lang, hindi ako ‘yung tipo ng parent na gusto ko maging ganito ka or whatever, hindi ako ganoon.
Basta whatever your heart’s desire, whatever you want to be, just be there and just try to be the best. Strive your very best always, that’s it. Alam ko kasi it’s such a hard road, you know what I mean?
“In this business is not easy as they say especially when you are a recording artist and singing. It takes perseverance. It takes something special. That’s something I don’t want, you know, plan on myself alone.
If they decide to do that, let it be. It will just happen lang,” katwiran ng istriktong tatay. Pero kung choice raw talaga ng mga bagets na sundan ang yapak ng kanilang ama, “Well, then, go for it. All you have to do is to support them.”
Samantala, bukod nga kay Bamboo ay kasama rin niya bilang voice coach sina Lea Salonga at Sarah Geronimo, kaya ang tanong ng press, bakit nawala na si Apl.de.Ap na nakasama nila sa unang season ng The Voice?
Trulili ba ang balitang intimidated daw si Bamboo kay Apl? “Not at all. I just think we’re in different worlds, different genres.
“I just see music as one world, one thing, right? That’s the kind of personality I am, I guess.
That’s the way I think medyo deep in that sense now,” pagtanggi nito. Sa katunayan ay naging close sina Apl at Bamboo nang magkasama sila sa The Voice.
“I mean, as close as a coach can go, yeah. We made the effort to spend time and then do out of work, I think during his despedida, I was there before he left for the US, end of the season.
So, we did that. I’m someone who never leaves the house,” kuwento ni Bambbo. Kaya naman naitanong namin kung hindi ba mahilig gumimik si Bamboo noong kabataan niya dahil aniya ay homebody raw siya ngayon, “Hindi naman.
Of course when you’re younger, you go out with your friends,” napangiting sagot nito. Mapapanood na ang The Voice Kids sa Sabado, Mayo 24 kung saan ang tatanghaling grand winner ay magwawagi ng Camella house and lot sa Vista Land na pag-aari ni Chairman Manny Villar bukod pa ito sa mapapananalunang cash.
Bukod sa The Voice Kids ay inisponsoran din ng Vista Land ang katatapos lang na Bet On Your Baby ni Judy Ann Santos.
( Photo credit to EAS )