Sigaw ni Ka Freddie kay Meagan: Ikaw ang pinakamasamang anak ko sa lahat!


MAS maraming nabubwisit ngayon kesa nakikisimpatya kay Meagan Aguilar. Kahit daw kasi gaano kasama para sa kanya ang amang si Freddie Aguilar, sana raw ay maghunos-dili ito sa pagtalak laban sa tatay niya.

Galit na galit ang singer kay Ka Freddie kaya kung anu-ano na ang sinasabi nito para ipabatid ang kanyang sama ng loob. Pero sa halip na kampihan ng publiko, naiinis pa sa kanya ngayon ang mga tao dahil lumalabas na bastos at wala siyang galang na anak.

Sana raw ay nag-usap na lang sila nang maayos kesa magtatalak siya  sa media. Inamin ni Meagan na pinagsisisihan niya na naging anak siya ni Ka Freddie, “I regret it, kasi hindi siya ‘yung typical na ama na gagawin ang lahat para maging successful ang mga anak.

Ang sa kanya, pahirapan niya kami tapos tingnan natin kung sino ang makabangon, kung sinong magsu-survive. Eh ako ‘yung survive nang survive, so ako lagi ‘yung tinatamaan ng mga ano niya.

Dugtong pa nito, “Ang huling sabi sa ‘kin, ‘Akala mo proud ako sa ‘yo? Hindi. Ikaw ang pinakamasamang anak ko sa lahat.’ Iyon ang sinabi niya. ‘Lumayas ka dito!’ Hindi ko makalimutan ‘yan kasi nanlilisik ang mata.

Galit na galit. ‘Yun ang mga huling sinabi sa ‘kin. So ‘yun ang mga mabibitbit ko. Hindi ko na maaalala kung anong mga nangyaring maganda.”

Kakaloka ang mag-ama, di ba?

( Photo credit to ka frddie official fanpage )

Read more...