Barbie sa away nila ni Bea: Naku, luma na ‘yan!


Ayaw patulan ni Barbie Forteza ang pang-iintriga ng ilan hinggil sa estado ng mga karir nila ni Bea Binene sa GMA 7. “Naku po, may isyu pa rin? Luma na iyan,” ang tumatawang tsika ng bida sa bagong GMA afternoon series na Half Sisters na papalit sa Villa Quintana.

Balik sa pagbibida ang magandang dalagita na umaming masaya at confident sa mga proyektong ibinibigay ng network niya. Sa AnnaKarenina pa huling napanood si Barbie bago siya nagkaroon ng semi-regular stint sa Vampire Ang Daddy Ko (kung saan kasama rin si Bea Binene) katambal si Derrick Monasterio.

At ngayong magkakasama nga sila uli ni Derrick as love team sa Half Sisters, sinisiguro ng dalaga na ibang level na din yung landian at harutan nila.

“Kung dati po ay pa-tweetums, ngayon, medyo angat na siya as young adult. Malay natin kung kakayanin na namin ang mga moments na sweeter and sweeter,” natatawa pang hirit ni Barbie.

Mabait na anak ni Jean Garcia ang papel ni Barbie sa soap at kapatid niya rito si Thea Tolentino na siya naming natoka na maging kontrabida. Sila ang half sisters sa kuwento na mag-aagawan sa maraming bagay, including sa lalaki.

“May lalaki talaga?” ang tawa pa ni Barbie sabay sabing ito na raw marahil ang pinaka-challenging na gagawin niya. Ngayong June na ito magsisimula.

Naabutan din namin sa taping ng serye sina Jean, Ryan Eigenmann. Kasali rin sa soap si Jomari Yllana.

( Photo credit to barbie forteza official fanpage )

Read more...