Toni, Boy, Kris inokray sa The Buzz

Natawa ako nang husto last Monday when someone sent me a message sa private message ko sa Facebook showing the picture of The Buzz 15 hosts Toni Gonzaga, Kuya Boy Abunda and Kris Aquino in that order.

Ang caption ng baklita kong friend ay, “Ang Duling, Ang Bading at Ang Praning”. Tawa ako nang tawa at ikinuwento ko ito kay Kuya Boy over the phone that same day. Wala siyang magawa kungdi ang makihalakhak na lang sa akin.

Pero aniya sa amin, “That’s so cruel naman of your friend. Nakakatawa pero unfair naman. Ako okay lang kasi totoo namang bading ako pero for Toni and Kris, that’s cruel ha,” ani Kuya Boy.

Pero parang hindi masyadong mainit ang pagtanggap ng televiewers sa bagong reformatted na The Buzz. Nawala na raw ang glow ng original show noon. Kasi nga, napakarami nang nangyari.

No biases, pero tanging si Kuya Boy lang daw ang worth watching sa show. Kasi nga, panay ang buhay pa rin niya ang ino-offer ni Kris sa segments niya kaya nagngingitngit na ang audience sa kaniya.

Si Toni naman daw ay over-exposed na rin. Hindi raw tuloy nila na-achieve ang goal nila sa pag-reformat ng show. Kasi nga, itong si Kris, walang pangakong tinupad.

Lahat kasi gusto kaniya lang. Napakasuwapang raw sa exposure at sa salapi. Hay naku, no comment na lang.

( Photo credit to the buzz official fanpage )

Read more...