DOC, ano po ba ang dapat kong gawin at mabago ang sistema ng katawan ko? Pag di ako nakakainom ng Red Bull energy drink matamlay ako. Three years na akong umiinom nito. Kadalasan, 4 times sa isang linggo. Ano po ba ang maaaring bad effect nito sa katawan? At ano po ba ang dapat kong gawin, so far hindi naman ako diabetic. — Jury Arman, 40, Esperanza, South Cotabato
Good am, Doc Heal, mag 2 months ko na wait ang advise mo regarding my health. I feel tired kapag hindi ako uminom ng Red Bull drink kada araw. Ok naman fbs,creatinine ko.
Good morning doc, for the past two years nasanay na akong uminom ng Red Bull drinks. Pag di po ako nakainom nito sa isang araw, naghihina ako. Bakit kaya? — Edam Zill, Cotabato
Hello sa ating mga readers na pare-parehong umiinom ng energy drink. Wala
naman bad effect sa katawan ang pag-inom ng energy drink, partikular na ng Red Bull na inyong nabanggit. Supplement drink lang ito.
Gayunman, hindi rin naman tama na tanging sa supplement drink iaaasa ang pagkuha ng enerhiya ng inyong katawan. Lagi nating sinasabi na ang labis-labis ay hindi maganda sa katawan o kalusugan.
Tandaan din na hindi ito ang pangunahing pinanggagalingan ng iyong enerhiya sa katawan kundi ang tamang nutrisyon pa rin.
Samahan din ito ng sapat na “hydration” o pag-inom ng maraming baso ng tubig kada araw, sapat na pagpapahinga at tulog, sapat na ehersisyo. Higit sa lahat, iwasan ang “stress” sa pamamagitan ng pagiging mapagpatawad at hindi makasarili.
Hello po, tanong ko lang po kung bakit sumasakit ang gilid ng puson ko minsan? — Rosenda Watemar, 20, Antipolo City, ….0770
Magandang araw din sa iyo, Rosenda. Maraming dahilan kung bakit minsan ay sumasakit ang gilid ng iyong puson, depende iyan sa apektadong parte ng iyongn katawan. Kung sa pag-ihi ang problema, makabubuti na magpa-urinalysis ka muna. Posible rin na dahil sa “menstrual cycle” kung saan maaring sumakit kapag may “ovulation” o kaya naman “dysmenorrhea”. Maari rin namang “muscle pain” lang yan. Pero makakabuti na magpasuri na para malaman ang tunay na dahilan.
Good morning po, doc. Noong isang linggo po may kasamang dugo ang dumi ko. Hindi ko po iyon pinansin pero hanggang ngayon ay may dugo pa rin po. Medyo natatakot na po ako baka kung ano na po kasi ito. — Jeff, Fairview, ….5874
Hello, Jeff. Ang almoranas ang pinaka-madalas na sanhi ng pagdudugo kasama sa pag-dumi. Magpatingin ka sa malapit na doktor para ma-eksamen agad ito.