Ate Guy kailangang-kailangan ng pera

Ngayong araw na ang schedule ng throat operation ng mahal nating Superstar na si Ms. Nora Aunor sa Boston.

Pagdating na pagdating ni Ate Guy sa States nu’ng Monday ay may connecting flight agad pala siya for Boston.

Nagpahinga lang ito ng isang araw at hayun, tuloy na ang operasyon niya today.

Sana ay maging matagumpay ang operasyon ni Ate Guy, kasi nga, napakaraming nag-aabang ng pagbabalik ng kanyang golden voice.

Sa mga medyo disappointed kay Ate Guy recently, hayaan ninyo at babawi rin siya sa inyo pagbalik niya. Sana ay naunawaan ninyo that she needs every centavo for her operation.

Yung mga nagsasabing OPM (Oh, Promise Me!) si Ms. Nora Aunor, try to understand naman.

Huwag naman masyadong rude. She needs the money now more than we do.

Read more...