Charice naaksidente sa skateboard

Pilay kaya naka-wheelchair nang dumating sa airport

NAAKSIDENTE pala ang Pinay international singer na si Charice during the holiday season sa Amerika.

Dumating siya sa bansa kahapon ng umaga na naka-wheelchair kaya naman marami sa kanyang fans ang nag-alala.

Nakabenda pa ang kaliwang paa ni Charice nang dumating sa NAIA sakay ng isang wheelchair.

Ayon sa singer, bumalik siya sa Pilipinas para sa birthday celebration ng kanyang inang si Mommy Racquel.

Sa official Twitter account ni Charice, sinabi niyang naaksidente nga siya habang nag-i-skateboard sa isang kalye sa Amerika nitong nagdaang Christmas season.

Sa interview sa kanya ng GMA 7, sinabi ni Charice na huwag daw mag-alala ang kanyang mga kaibigan at fans dahil okay naman daw siya, wala naman daw major damage sa kanyang paa.

“I tried to avoid kasi yung dumarating na sasakyan, kasi di ba, kapag nag-i-skateboard ka dapat relax ka lang, huwag kang magpa-panic. Pero natakot nga ako du’n sa dumarating na sasakyan kaya umiwas agad ako.

Tapos parang gumanu’n (tumagilid) ‘yung paa ko,” kuwento pa ni Charice.

Dagdag pa ng international singer, wala raw dapat ipag-alala ang kanyang fans dahil paa lang naman daw niya ang na-injure hindi naman daw ang kanyang boses na siyang puhunan niya sa kanyang career.

Ilang araw lang maglalagi sa Pilipinas si Charice at babalik din agad sa Amerika para sa kanyang mga natanguang commitments doon.

Read more...