NOONG Linggo sa programa naming “Chismax” ni partner Gretchen Fullido ay ibinalita ko ang naiparating na tsika sa akin na umiyak o napaiyak nga raw si Melissa Ricks sa ASAP 2012 matapos na ito’y batiin (read: tuksuhin o kantiyawan?) ni Jake Cuenca pagkatapos ng kanilang production number kaugnay ng kanilang birthday celebrations.
Agad namang tinext ni Greta ang kanyang kaibigan para malaman namin ang rason na agad namang sinagot ni Melissa ng ganito via text message, “I’m okey. Nothing to worry.”
Kaya kung pagbabasehan namin ang naturang tugon, parang kinumpirma ni Melissa na may ganu’n ngang pangyayari subalit ayaw na marahil nitong palakihin pa ang isyu.
Kaya naman nag-stick kami sa aming nakalap na tsika na diumano’y may kinalaman nga ito sa dati pa nilang hidwaan ni Jake at yun nga, type panindigan ni Jake ang kanyang sentimyento na wala siyang atraso o pagkakasalang nagawa sa dating kasintahan.
At ayon naman sa mga tagapagtanggol ng dalaga na nag-text sa aming programa, “Dati pa namang bastos si Jake at nakakawala ng respeto ang mga pinaggagawa niya. Basta kami happy na lang sa magandang career ni Melissa.
We support her.”
Bukas naman ang pahinang ito para sa depensa ni Jake tungkol sa mga naging pahayag ng supporters ni Melissa.
Anyway, kasali si Melissa sa teleseryeng Walang Hanggan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta na magsisimula na sa Primetime Bida ng ABS-CBN ngayong Jan. 16.