Sarah ayaw umasang magwawaging Best Actress sa pelikula nila ni Coco
HINDI naghahangad ng best actress award si Sarah Geronimo para sa bago niyang pelikula kasama si Coco Martin, ang “Maybe This Time” directed by Jerry Sineneng under Star Cinema and Viva Films showing on May 28 nationwide.
Ayon sa Pop Princess, mas gusto niya raw na matanggap siya ng viewers bilang isang serious actress at sana raw ay mabigyan pa siya ng pagkakataon na makatrabaho ang iba pang magagaling na direktor sa bansa para mas marami pa siyang matutunan bilang isang sensitibong aktres.
“Kung bibigyan ako ng management ng Viva o ng kung sino man ang gagawa ng pelikula ko ay may mutual agreement, yun po. Gusto ko rin kasi mag-grow as an actress.
Yung acting awards? Malayo pa po yun sa isip ko. Basta, masabi lang na may na-improve sa akin, okay na po ako du’n, happy na ako,” pag-amin ng singer-actress.
Chika pa ni Sarah, totoong nagagamit niya ngayon sa pag-arte ang mga pinagdaanan niya sa buhay, “A, oo naman, bilang isang actor, humuhugot tayo doon sa ating mga personal na experience.
Yung mga heartaches, happiness, lahat-lahat nang yun. “Iga-gather mo yun sa isip at puso mo para mai-connect mo yun sa sitwasyon ng character mo na pinu-portray mo.
Pero ang pinakaimportante sa lahat ay buo rin ang puso mo sa paniniwala na ikaw rin yung character na pinu-portray mo. Yun ay para rin masabi na totoo ang emotions na ipinapakita mo,” dugtong nito.
Hirit pa ng dalaga, “So, sana ay makita nila yung pagbabago na yun. Sana, sumabay din siya sa pag-age na 26 tapos magiging 27 ako, sana lahat ng roles na gagawin ko ay bagay din sa age ko, ‘di ba?
At ang maganda dito din ay meron kaming flashback scene na ‘di naman nalalayo sa edad ko.” Mismong si Coco Martin na ang nagsabi na ibang-ibang Sarah G. ang mapapanood ng madlang pipol sa “Maybe This Time” at nabigyan nito ng justice ang seryosong karakter niya sa movie kaya hindi imposileng magka-award ang dalaga.
( Photo credit to sarah geronimo official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.